Pagtugon sa katarungang pangkalikasan at panlipunan, panawagan ni Pope Leo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,064 total views

Nanawagan si Pope Leo XIV sa lahat ng mga Kristiyano at may mabuting kalooban na tugunan ang agarang pangangailangan para sa katarungang pangkalikasan at panlipunan.

Ang panawagan ng santo papa ay bilang mensahe para sa Ika-10 World Day of Prayer for the Care of Creation na gaganapin sa Setyembre 1, 2025.

Ang mensahe, na may titulong “Seeds of Peace and Hope”, ay inilabas noong Hulyo 2, kaugnayan na rin sa Jubilee Year, kung saan hinihikayat ang mga mananampalataya na maging pilgrims of hope at tapat na tagapangalaga ng kalikasan.

“May [Laudato si’] continue to inspire us, and may integral ecology be increasingly accepted as the right path to follow,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Ginamit ng Santo Papa ng sipi mula sa propetang si Isaias upang ipakita na ang tuyot na mundo ay maaari pang gawing masagana, basta’t magkaroon ng tunay na pagbabago sa pananaw at gawa.

Ayon kay Pope Leo, ang pagtingin sa kalikasan bilang pag-aari ay nagdudulot ng pagkasira, kawalang-katarungan, at mas matinding pagdurusa sa mga mahihirap at katutubo.

Sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Laudato si’—ang ensiklikal ni Pope Francis ukol sa pangangalaga sa kalikasan—binalikan ni Pope Leo XIV ang mga epekto ng kasakiman, paglabag sa karapatan, at hindi pagkakapantay-pantay.

Binanggit niya na ang mga ito ay sanhi ng pagkaubos ng kagubatan, polusyon, at pagkawala ng likas na yaman. Tinawag niya itong mga bunga ng kasalanan at ng kapabayaan ng tao sa kanyang tungkulin na pangalagaan ang daigdig.

Mariin ding kinondena ng Pope Leo ang pagtingin sa kalikasan bilang isang dahilan ng alitan, kung saan ang likas na yaman tulad ng tubig at lupa ay pinag-aagawan. Ayon sa pinunong pastol, ito ay dahil hindi nasunod ang utos ng Diyos na “till and keep”—na alagaan at ingatan ang sangnilikha.

Isinusulong din ng Santo Papa ang integral ecology—isang pananaw na pinagsasama ang pananampalataya, katarungan, at pangangalaga sa kalikasan. Giit ng Santo Papa, ang pag-aalaga sa kalikasan ay tungkuling moral at bahagi ng pananampalataya, dahil ang buong sangnilikha ay larawan ng mukha ni Kristo.

“For believers, the universe reflects the face of Jesus Christ, in whom all things were created and redeemed,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinalangin din ng Santo Papa para sa paggabay ng Espiritu Santo at umaasang patuloy na maging inspirasyon ang Laudato si’. Hinikayat din niya ang lahat na yakapin ang integral ecology bilang tamang landas para sa paggaling at pagkakaisa ng sangkatauhan at ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 21,078 total views

 21,078 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 42,059 total views

 42,059 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 64,487 total views

 64,487 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 237,951 total views

 237,951 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 214,122 total views

 214,122 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top