Paglingkuran ang bawat nasasakupang kawan, hamon ni Bishop Parcon sa kapwa Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,473 total reads

Hinimok ni Talibon Bishop Patrick Daniel Parcon ang mga kapwa pastol ng simbahan na paigtingin ang pagpapastol at abutin ang bawat nasasakupang kawan.

Sa ikalawang araw ng plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines binigyang diin ng obispo ang higit na paglilingkod sa mga dukha at nangangailangan sa lipunan lalo na sa mga nangangailangang espiritwal.

Iginiit ng Obispo na layunin ng simbahan na ipagpatuloy ang misyon ni Hesus lalo na sa pagpapahalaga sa mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan na kadalasang naisasantabi.

“This is our mission to make our church not only contented on sharing the crumbs with the poor but giving the best to the poor people because they deserve more. We are so comfortable with our life as bishops, as clergy, there is this great challenge for us to get down to go beyond our comfort zones,” ayon kay Bishop Parcon.

Ibihagi ni Bishop Parcon na bilang hakbang ng diyosesis sa pagpapalawak ng misyon ang pagtanggal ng arancel system lalo na sa mga sakramento upang mabigyang pagkakataon ang bawat kristiyano na makatanggap ng mga sakramento.

Binigyang diin ng obispo na hindi dapat makahahadlang ang salapi sa pagtanggap ng mga sakramento kaya’t labis ang pasasalamat nito sa mga pari ng diyosesis na suportado ang pagtanggal sa arancel.

“Placing price tags on sacraments should not be the reason to deprive any single soul of the sacraments,” ani Bishop Parcon.

Nagpasalamat ang punong pastol ng Talibon sa CBCP sa pagkakataong nakihalubilo sa mananampalatayang sumasalubong sa mga pagtitipon sa iba’t ibang simbahan sapagkat ito ay makapagbibigay ng sigla at saya sa mamamayan na makitang nagtitipon ang mga lider ng simbahang katolika sa Pilipinas.

Naniniwala si Bishop Parcon na sa karanasan ng mga Boholano sa pagtanggap sa delegasyon ng CBCP ay mahimok ang mga kabataang pagnilayan ang kanilang bokasyon.

“I know, pretty sure that through this, there will be more young people who will become interested in becoming a priest. Your presence will certainly increase the vocation to the priesthood and religious life in the Diocese of Talibon,” giit ni Bishop Parcon.

Aminado ang obispo na malaki ang kakulangan sa bokasyon ng buong simbahan sa mundo kaya’t apela nito sa mamamayan ang patuloy na pagdarasal lalo na sa mga kabataang mapagnilayang dinggin ang tawag ng Panginoon sa paglilingkod bilang mga pari, madre at relihiyoso.

Sa kanyang diyosesis mahigit sa kalahating milyon ang ipinapastol ni Bishop Parcon katuwang ang 93 mga pari.

Sa kasalukuyang datos ng diyosesis mayroong kabuuang 147 seminarista ang sumailalim sa paghuhubog sa mga seminaryo na itinuring ni Bishop Parcon bilang malaking biyaya para sa simbahan at kristiyanong pamayanan.

“For us, this is a great blessing because whether these seminarians will become a priest or not, at least the seed of goodness, I hope, is planted in their hearts. With their formation, they will become good servant leaders in the society with a heart to serve,” ayon kay Bishop Parcon.

Ginanap ang banal na misa sa Holy Infant Parish sa Anda Bohol kung saan katuwang ni Bishop Parcon sa pagdiriwang sina Isabela Bishop David William Antonio at Marbel Bishop Cerilo Alan Casicas.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,856 total reads

 13,856 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,983 total reads

 13,983 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,105 total reads

 25,105 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,511 total reads

 81,511 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 205,012 total reads

 205,012 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,140 total reads

 289,140 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top