Bishop Bagaforo, inihalal na bagong chairman ng CBCP-ECID

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,658 total views

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong chairman ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue.

Si Bishop Bagaforo ang hahalili kay Prelature of Marawi Bishop Edwin de la Peña na magtatapos ang termino sa November 30, 2025.

Ang pagkakahalal sa obispo sa bagong tungkulin ay kasabay ng ginanap na 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda Bohol.

Kilala si Bishop Bagaforo sa kanyang pamumuno sa pagsusulong ng kapayapaan, pakikipagtulungan sa iba’t ibang pananampalataya, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan.

Naakma ang panibagong tungkulin ng obispo dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang grupo, relihiyon, at denominasyon, lalo na sa Mindanao.

“He will begin his new role with the Commission on Interreligious Dialogue as he concludes his term with Caritas Philippines, continuing his mission to promote unity, understanding, and cooperation among diverse faith communities across the country,” ayon sa anunsyo ng Caritas Philippines.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Bagaforo ang Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at siya rin ang pangulo ng Caritas Philippines, ang humanitarian, development, at advocacy arm ng CBCP.

Magsisimula ang kanyang dalawang taong termino bilang pinuno ng Commission on Interreligious Dialogue sa Disyembre 1, 2025.

Samantala, si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza—na kasalukuyang vice chairman ng ECSA-JP at Caritas Philippines—ang itatalaga bilang kapalit ni Bishop Bagaforo sa dalawang posisyong ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 24,594 total views

 24,594 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 74,608 total views

 74,608 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 70,477 total views

 70,477 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 106,238 total views

 106,238 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 113,465 total views

 113,465 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top