Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nababahala sa pagkakaantala ng proseso ng impeachment laban sa Bise-Presidente

SHARE THE TRUTH

 35,814 total views

Mariing ipinahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang pagkabahala sa pagkaantala ng proseso ng impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, na nagpapakita ng kakulangan sa transparency at accountability sa pamahalaan.

“We are disturbed by the delay in the Senate in executing the constitutional demand for the impeachment process of the Vice President,” bahagi ng pastoral letter na inilabas matapos ang 130th Plenary Assembly na nilagdaan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Binanggit ng CBCP na ang impeachment, kung ito ay isasagawa batay sa katotohanan at katarungan, ay isang lehitimong demokratikong mekanismo upang tiyakin ang pananagutan sa pamahalaan.

“We affirm that impeachment, when pursued with truth and justice, is a legitimate democratic mechanism for transparency and accountability in governance.” bahagi ng pastoral statement ng CBCP

Hinimok ng mga obispo ang mga mananampalataya na huwag maging manhid sa mga isyung moral at panatilihing bukas ang isipan sa pakikinig sa lahat ng panig.

“We call our faithful to combat moral indifference, listen to all sides with openness, and foster a culture of engaged citizenship rooted in our Christian faith.”

Bukod sa usapin ng impeachment, tinutukan din sa pastoral letter ng CBCP ang mga isyu ng karahasan sa Gaza, makatarungang sahod, at dignidad sa paggawa.

Sa usapin ng Gaza, nanawagan ang CBCP ng panalangin, pag-aayuno, at pag-aalay ng sakripisyo para sa kapayapaan. Mariin nilang kinondena ang paggamit ng kagutuman bilang sandata ng digmaan.

“We condemn the weaponization of starvation. Let food and badly needed humanitarian aid benefit all.”

Kinilala rin ng mga obispo ang krisis sa sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas. Binanggit ng kalipunan ng mga obispo na ang kasalukuyang sahod ng karamihan ay hindi sapat upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga pamilya.

“We are aware of the plight of workers in our country that the salaries they receive are much below the living wages that enable workers to meet their needs and support their families.”

Hinimok ng simbahan ang pakikipagdayalogo ng mga manggagawa, employer, at pamahalaan upang makamit ang makatarungang sahod at seguridad sa trabaho, ayon sa panuntunan ng Simbahan hinggil sa social justice.

Inanyayahan naman ng CBCP ang mga pari, layko, manggagawa, at mga lider sa pulitika na magkaisa sa pagtataguyod ng makatarungan at mapayapang lipunan.

“Let us rekindle our hope, strengthen our solidarity and remain vigilant in our stewardship of truth, justice, and the dignity of every human person.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ROBS TO RICHES

 28,590 total views

 28,590 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 43,895 total views

 43,895 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Mga biktima ng digmaan

 58,428 total views

 58,428 total views Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza? Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang

Read More »

Katiwalian at media

 69,419 total views

 69,418 total views Mga Kapanalig, nandidiri ba kayo sa korapsyon? Dapat lang. “Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon,” sabi nga ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa

Read More »

Budget and spend responsibly

 81,281 total views

 81,281 total views Mga Kapanalig, “ber months” na!  Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Human trafficking, lalabanan ng CBCP-ECMI

 20,930 total views

 20,930 total views Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pagtutok

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top