Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,189 total reads

Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy Law upang mas mapalakas ang laban kontra korapsyon, money laundering, at iba pang financial crimes.

“Kung nais natin ng tapat na pamahalaan at matatag na sistemang pinansyal, kailangan nating i-update ang ating mga batas at bigyan ng tamang kapangyarihan ang mga regulator para maprotektahan ang pera ng taumbayan,” pahayag ni Romualdez.

Sa ilalim ng panukala, papayagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na suriin ang bank deposits—kabilang ang foreign currency accounts—kapag may sapat na batayan ng pandaraya o iregularidad. Saklaw ng imbestigasyon ang mga opisyal, stockholders, empleyado, at sinumang konektado sa mga institusyong nasa ilalim ng pangangasiwa ng BSP, gayundin ang mga ipinasarang bangko.

“Sa kasalukuyan, nagagamit ang batas para itago ang money laundering, tax evasion, at korapsyon. Dapat na itong itama,” ayon sa mambabatas.

Upang mapanatili ang privacy ng mga lehitimong depositors, lilimitahan ang paggamit ng impormasyon mula sa BSP. Tanging mga ahensyang tulad ng Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Department of Justice (DOJ), o korte lamang ang maaaring makatanggap ng impormasyon kung kinakailangan ng batas.

Tiniyak ng panukala na walang pananagutang kriminal o sibil ang mga bangko o empleyado kung sila ay kumilos nang may kabutihang loob at alinsunod sa utos ng BSP. Samantala, ang sinumang maglalabas ng impormasyon nang walang pahintulot ay papatawan ng parusang pagkakakulong mula dalawa hanggang sampung taon, at multang mula ₱50,000 hanggang ₱2 milyon.

Layon ng panukala na iayon ang Pilipinas sa mga pandaigdigang pamantayan sa laban kontra money laundering at alisin ang mga hadlang sa paghabol sa mga hidden wealth.

Naniniwala si Romualdez na ang pagbibigay ng malinaw at legal na kapangyarihan sa BSP ay magpapatibay sa oversight ng mga institusyon, magpapalakas sa tiwala ng mga mamumuhunan, at magbibigay proteksyon sa financial system ng bansa laban sa pang-aabuso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,666 total reads

 106,666 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,192 total reads

 183,192 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,640 total reads

 216,640 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,940 total reads

 251,940 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,300 total reads

 474,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top