CBCP-ECMI, nagagalak sa pagtatalaga kay Bishop Mesiona na pinuno ng komisyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,162 total reads

Ipinarating ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pasasalamat at kagalakan sa pagkakatalaga kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona bilang susunod na Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI).

Ayon sa Komisyon, tiwala at inaasahang na magagampanan ni Bishop Mesiona ang bagong misyon na kalingain at iparating sa mga migrante ang pagmamahal at kalinga ng simbahan.

“The 130th CBCP Plenary Assembly named new CBCP Commissions Chairmen. The new ECMI Chairman is Bishop Socrates C. Mesiona, MSP who will assume the post on December 1, 2025. He is currently one of the ECMI Board Member Bishops,” ayon sa mensahe ng CBCP-ECMI.

Binahagi din ng komisyon ang pinagmulan ni Bishop Mesiona na na-ordinahan bilang pari ng simbahang katolika noong 1989 at bilang obispo naman ni Pope Francis noong 2016.

Kilala si Bishop Mesiona bilang tagapagsulong ng karapatan ng mga katutubo na nakakaranas ng paniniil kasunod ng kaniyang paninindigan para sa ikabubuti ng kalikasan.

“From 1994 to 1996 he studied for a licentiate in Missiology at the Pontifical Gregorian University in Rome. Bishop Mesiona was entrusted with several responsibilities such as principal of the school and later as rector of the Fil-mission Seminary in Tagaytay City, parish priest in Madaluyong City and bursar and member of the Mission Society of the Philippines, He served as MSP superior general from 2004-2009, after which he was appointed national director of the national Pontifical Mission Societies,” bahagi pa ng mensahe ng CBCP-ECMI.

Hahalili si Bishop Mesiona kay Bishop Romblon Bishop Narcisso Abella na nagsimulang magsilbi bilang CBCP-ECMI Chairman noong 2019 katuwang si CBCP-ECMI Vice-chairman Antipolo Bishop Ruperto Santos.

Ang CBCP-ECMI ay ang komisyon na nangangalaga sa kapakanan, karapatang at pangangailangan espiritwal ng mga Overseas Filipino Workers, Filipino Migrants at mga pamilya o mahal sa buhay na naiiwan sa Pilipinas.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,960 total reads

 11,960 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,087 total reads

 12,087 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,956 total reads

 21,956 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,362 total reads

 78,362 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,863 total reads

 201,863 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,133 total reads

 286,133 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 50,895 total reads

 50,895 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »
Scroll to Top