Bagong pangulo ng CBCP, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,635 total views

Humiling ng panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera makaraang mahalal bilang susunod na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ayon sa arsobispo, mahalaga ang mga panalangin upang sa tulong ng Panginoon ay magabayan siya sa mabigat na responsibilidad sa kalipunan at sa kristiyanong pamayanan ng Pilipinas.

“Kung kaya’t ipagdasal po ninyo ako sapagkat napakabigat ng krus na nakapatong sa akin kaya sama-sama po tayo, tulong-tulong, magdarasal tayo upang ang kalooban ng Diyos ay mapasaatin,” pahayag ni Archbishop Garcera sa Radyo Veritas.

Sa katatapos na 130th CBCP Plenary Assembly na ginanap sa Anda Bohol ay napili si Archbishop Garcera na kahalili ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na matatapos ang termino sa November 2025.

Magsisilbing pangalawang pangulo ng kalipunan si Zamboanga Archbishop Julius Tonel na hahalili naman kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na matatapos din ang termino sa Nobyembre.

Hiling ni Archbishop Garcera sa mananampalataya ang pagbubuklod bilang mga kristiyano.

“Ipagpatuloy po ninyo ang sama-samang paglalakbay bilang mga Pilipino na nagkakaisa sa ngalan ni Hesus,” dagdag ng arsobispo.

Bukod kay Archbishop Garcera at Archbishop Tonel naghalal din ang CBCP ng mgq chairpersons sa iba’t ibang commissions, committees, at, offices.

Ginanap ang pagpupulong ng mga obispo mula June 30 hanggang July 7 kung saan sa unang bahagi ang retreat at national synodal consultations sa Tagbilaran City kasama ang mga synodal delegates mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa habang ang plenary proper ay ginanap sa Anda Bohol noong July 5 hanggang 7.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 5,990 total views

 5,990 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 15,354 total views

 15,354 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 41,810 total views

 41,810 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 92,306 total views

 92,306 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 97,502 total views

 97,502 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top