Community based-healthcare, paiigtingin ng CBCP-ECHC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,402 total views

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Camillian Fr. Dan Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC), kay Naval, Biliran Bishop Rex Ramirez sa masigasig na paglilingkod at paggabay bilang chairman ng komisyon.

Ayon kay Fr. Cancino, naging mahalagang haligi si Bishop Ramirez sa loob ng anim na taon, kung saan pinatatag nito ang misyong pastoral ng CBCP sa larangan ng kalusugan.

Magtatapos ang termino ni Bishop Ramirez sa November 30, 2025, at papalitan ni Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista bilang bagong chairman ng CBCP-ECHC.

“Maraming, maraming salamat kay Bishop Rex Ramirez… ginabayan ni Bishop Rex ang komisyon ng healthcare ng CBCP ng maraming taon sa kanyang presensya, sa kanyang karunungan, sa kanyang pagbibigay ng gabay,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Nagagalak rin si Fr. Cancino sa paghirang kay Bishop Evangelista, na inanunsyo sa 130th CBCP Plenary Assembly na ginanap sa Anda, Bohol noong July 5, 2025.

Sinabi ng Pari na puno ng pag-asa at sigla ang komisyon sa pagpasok ng panibagong yugto ng paglilingkod sa ilalim ng bagong pamunuan, tungo sa higit pang pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan ng Simbahan.

“Siyempre,excited ang healthcare commission. Ano kaya ‘yung mga mangyayari sa ating komisyon? Pero coming from the different regional healthcare consultation ng mga different dioceses, may mga namumutawi tayong mga priority programs na ako sa tingin ko na si Bishop Rey ay talagang magbibigay ng gabay tungkol dito,” saad ni Fr. Cancino.

Kabilang sa mga pangunahing adbokasiya ng CBCP Healthcare Ministry ang pagbibigay ng espirituwal na kalinga sa mga pasyente at healthcare workers, sa pamamagitan ng mga chaplain, kabilang ang lay partners, upang mapalawak ng presensiya ng Simbahan sa mga ospital.

Ayon kay Fr. Cancino, layon din ng komisyon na palalimin ang ugnayan sa mga parokya at barangay, lalo na sa Basic Ecclesial Communities (BECs), upang maabot ang mas maraming maysakit sa mga pamayanan.
Tututukan din ng ECHC ang lumalalang kaso ng depression, anxiety, at suicide sa pamamagitan ng parish-based mental health program na nakabatay sa pananampalataya at espirituwalidad bilang mahalagang bahagi ng paggaling.

Bahagi rin ng programa ang pagpapaigting ng Community-Based Healthcare na nakatuon sa tuberculosis at iba pang karamdaman.

“Marami tayong mga chapters all over the country, 181 chapters, ng mga different healthcare groups under the parish na nagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan tungkol sa community-based healthcare program,” pagbabahagi ni Fr. Cancino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 23,491 total views

 23,491 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 51,842 total views

 51,842 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 119,572 total views

 119,572 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 142,723 total views

 142,723 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 211,186 total views

 211,186 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top