Pagtutok sa TB at HIV-AIDS, nais marinig ng CBCP sa SONA ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,530 total reads

Iginiit ng simbahan na kailangang tutukan ng pamahalaan ang usaping pangkalusugan, lalo na sa pagtaas ng kaso ng tuberculosis (TB) at human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) kaugnay sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 28, 2025.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, ika-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng TB sa buong mundo kaya’t ginagawa na ang aktibong paghahanap ng kaso sa mga pamayanan, kabilang na ang pagdadala ng x-ray machines sa mga malalayong lugar upang agad matukoy at magamot ang mga apektado.

“Kapag inuubo ng dalawang linggo, may mga symptoms ng tuberculosis, huwag mahihiyang magpa-check-up. May gamot tayo,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Cancino na dahil sa kakulangan ng suplay ng gamot sa ilang lugar, may mga pasyenteng napipilitang tumigil sa gamutan, na nagreresulta sa pagkawala ng pag-asang gumaling at sa muling pagtaas ng mga kaso ng TB.

Kaya naman, hinimok ng pari ang pamahalaan na tiyaking may sapat na suplay ng gamot at abot-kayang serbisyo sa mga health center, lalo na sa mga kanayunan.

“Knock-knock po sa ating mga kinuukulan. Maganda pong tingnan muli natin paano ba ‘yung ating healthcare system lalo na sa purchase and distribution natin [ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan],” ayon sa pari.

Kaugnay nito, binigyang-pansin rin ni Fr. Cancino ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, partikular sa mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-test, ngunit binigyang-diin din ang epekto ng pagbawi ng mga dayuhang pondo tulad ng United States Agency for International Development (USAID).

Paliwanag ng pari na kung walang domestic funding, maaapektuhan ang suplay ng gamot, mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan, at kabuhayan ng mga trained health workers.

“Kaya nga dapat mabigyan ‘to ng pansin… At kung mabigyan ng pondo, gamitin ito sa tama. Huwag ibulsa. Huwag gamitin kung saan-saan. Ang para sa mga may sakit, talagang dapat i-ensure natin at i-guarantee na makakarating sa mga may sakit,” giit ni Fr. Cancino.(michael)

Iginiit ng simbahan na kailangang tutukan ng pamahalaan ang usaping pangkalusugan, lalo na sa pagtaas ng kaso ng tuberculosis (TB) at human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.

Ito ang panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Healthcare (CBCP-ECHC) kaugnay sa nalalapit na ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa July 28, 2025.

Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Dan Cancino, ika-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng TB sa buong mundo kaya’t ginagawa na ang aktibong paghahanap ng kaso sa mga pamayanan, kabilang na ang pagdadala ng x-ray machines sa mga malalayong lugar upang agad matukoy at magamot ang mga apektado.

“Kapag inuubo ng dalawang linggo, may mga symptoms ng tuberculosis, huwag mahihiyang magpa-check-up. May gamot tayo,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radyo Veritas.

Gayunman, binigyang-diin ni Fr. Cancino na dahil sa kakulangan ng suplay ng gamot sa ilang lugar, may mga pasyenteng napipilitang tumigil sa gamutan, na nagreresulta sa pagkawala ng pag-asang gumaling at sa muling pagtaas ng mga kaso ng TB.

Kaya naman, hinimok ng pari ang pamahalaan na tiyaking may sapat na suplay ng gamot at abot-kayang serbisyo sa mga health center, lalo na sa mga kanayunan.

“Knock-knock po sa ating mga kinuukulan. Maganda pong tingnan muli natin paano ba ‘yung ating healthcare system lalo na sa purchase and distribution natin [ng mga gamot at serbisyong pangkalusugan],” ayon sa pari.

Kaugnay nito, binigyang-pansin rin ni Fr. Cancino ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV, partikular sa mga kabataang edad 15 hanggang 24.

Aniya, isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapa-test, ngunit binigyang-diin din ang epekto ng pagbawi ng mga dayuhang pondo tulad ng United States Agency for International Development (USAID).

Paliwanag ng pari na kung walang domestic funding, maaapektuhan ang suplay ng gamot, mga programang pangkalusugan sa mga pamayanan, at kabuhayan ng mga trained health workers.

“Kaya nga dapat mabigyan ‘to ng pansin… At kung mabigyan ng pondo, gamitin ito sa tama. Huwag ibulsa. Huwag gamitin kung saan-saan. Ang para sa mga may sakit, talagang dapat i-ensure natin at i-guarantee na makakarating sa mga may sakit,” giit ni Fr. Cancino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 15,219 total reads

 15,219 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 102,385 total reads

 102,385 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 149,125 total reads

 149,125 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 196,997 total reads

 196,997 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 300,336 total reads

 300,336 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 168,163 total reads

 168,163 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top