97-pamilyang katutubo, mapapalayas sa lupang ninuno sa ecotourism project ng SMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,498 total views

Nananatiling matatag ang paninindigan at pag-asa ng mga katutubo ng Sitio Marihangin sa Bugsuk Island, Balabac, Palawan, sa kabila ng patuloy na banta ng sapilitang pagpapaalis at panggigipit mula sa mga nagnanais umangkin ng kanilang lupaing ninuno.

Sa paksang Padáyon: The Filipino Synodal Witnessing of the Catholic Faith, na bahagi ng ikatlo at huling araw ng 11th Philippine Conference on New Evangelization, ibinahagi ni Jilmani Nasiron, isang Muslim at katutubo mula sa Sitio Marihangin, ang kanilang kalagayan at panawagan sa harap ng planong ecotourism project ng San Miguel Corporation.

Ayon kay Nasiron, apektado ang halos 97 pamilyang katutubo sa sitio na nahaharap sa banta ng sapilitang pagpapalayas upang bigyang-daan ang proyekto.

Aniya, hindi ito simpleng usapin ng lupa, kundi usapin ng pagkakakilanlan, kultura, at buhay ng katutubong pamayanan.

“Bilang katutubo, katulad sa akin, muli, ako po ay maninindigan. Dahil po ‘yun ay karapatan ko at karapatan naming lahat dahil ‘yun po ay amin mula pa sa aming mga angkan… Doon na kami isinilang at doon na kami mamamatay… Hindi po ‘yan basta lupa lang. ‘Yan po ay sentro ng aming puso, ng tradisyon at kultura,” pahayag ni Nasiron.

Bagamat, kinikilala ang kakayahan ng proyekto sa pag-unlad ng bansa, iginiit ni Nasiron na hindi dapat ito maisakatuparan kapalit ng karapatan at kabuhayan ng mga katutubo.
Panawagan ni Nasiron sa sambayanang Pilipino na makiisa sa panalangin at pagkilos para sa adhikaing makamtan ang katarungan at kalayaan.

“Huwag n’yo kaming pababayaan. Tulungan n’yo kami para manumbalik ang saya at ligaya, at ang peaceful doon sa isla dahil iyon ay ang buhay namin, buhay ng mga katutubo ang nandoon. Para sa mga kabataan, sabi ko, ang kabataan ay pag-asa ng bayan… Huwag na huwag kaming pababayaan lahat sa laylayan,” ayon kay Nasiron.

Katuwang naman ng mga katutubo sa pakikipaglaban ang SAMBILOG-Balik Bugsuk Movement at ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples sa pagtataguyod ng karapatan sa lupaing ninuno at dignidad ng mga katutubo.

(Veritas Intern-Michael Encinas)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 24,535 total views

 24,535 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 75,219 total views

 75,219 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 81,348 total views

 81,348 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 110,672 total views

 110,672 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 128,041 total views

 128,041 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top