Bagong arsobispo ng Archdiocese of Cebu, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,897 total reads

Humiling ng panalangin si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy makaraang maitalaga sa mas malawak na pagmimisyon sa Archdiocese of Cebu.

Batid ng obispo na kaakibat ng pagtalaga sa metropolitan territory ang mas malawak na gawaing pagpapastol lalo’t ang arkidiyosesis ang isa sa pinakamalaking ecclesiastical see ng Pilipinas na may halos limang milyong mananampalataya.

“Kini nga appointment dili nato angay sabton nga promotion kundili usa ka pagtugyan ug mas dako nga misyon,” pahayag ni Archbishop-designate Uy.
[Ang appointment na ito ay hindi natin dapat unawain bilang promotion, kundi bilang isang pagtanggap ng mas malaki at mas mabigat na misyon.]

Aminado si Archbishop-designate Uy na bagamat hindi ito karapat-dapat ay buong kababaang loob nitong tinanggap ang pagsugo ng Diyos kasabay ng pasasalamat sa tiwala at pagkakataong makapaglingkod sa kristiyanong pamayanan ng Cebu na tinaguriang ‘cradle of Christianity.’

“I felt unworthy of such a great responsibility. But along with the fear came a deep sense of gratitude — gratitude for the trust given me, and for the opportunity to serve God and His people in a deeper way,” giit ng bagong talagang arsobispo.

Matatandaang sa kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel nitong July 16 nang isinapubliko ng Vatican ang appointment sa obispo bilang kahaliling pastol kay Archbishop Jose Palma na nagdiwang ng kanyang ika-75 taong gulang noong March 19, 2025 ang mandatory retirement age ng isang obispo.

Apela ni Archbishop-designate Uy sa mamamayan ang patuloy na panalangin para sa kalakasan at gabay ng Panginoon sa tatahaking landas bilang punong pastol sa mahigit 600 diocesan at religious priests na naglilingkod sa arkidiyosesis sa 173 mga parokya.

Tubong Ubay, Bohol ang bagong arsobispo at nagtapos ng kanyang philosopy sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City, theology naman at master’s degree ng pastoral ministry sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City habang licentiate ng sacred theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City.

Inordinahang pari si Archbishop-designate Uy noong 1993 sa Diocese of Talibon at ginampanan ang iba’t ibang tungkulin sa diyosesis.

Kasunod nang appointment nasa limang ecclesiastical territory ang sede vancate sa Pilipinas ang Boac, Kalibo, San Jose sa Nueva Ecija, Tabuk at ang Tagbilaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 33,866 total reads

 33,866 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 67,327 total reads

 67,327 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 103,810 total reads

 103,810 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 122,022 total reads

 122,022 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 204,530 total reads

 204,530 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top