Mga simbahan sa Diocese of Malolos, bukas na patuluyin ang mga apektado ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,950 total reads

Inihayag ng Diyosesis ng Malolos ang kahandaan ng mga Simbahan sa Bulacan na patuluyin ang mga pamilyang apektado ng nagpapatuloy na sama ng panahon.

Sa pabatid para sa publiko ng Parokya ng San Pedro de Alcantara sa Bocaue, Bulacan ang kahandaang patuluyin ang lahat ng mga pamilya o indibidwal na kinakailangan ng pansamantalang matutuluyan dahil sa epekto ng nagpapatuloy na sama ng panahon dulot ng Habagat.

Ayon sa parokya, bukas ang Simbahan para sa mga pamilyang nagnanais na lumikas sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng pagbaha na dulot ng sama ng panahon.

“Para sa mga pamilyang o indibidwal na malapit sa Parokya ng San Pedro de Alcantara, ipinababatid na bukas ang Simbahan para sa mga nagnanais na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa epekto ng pagbaha na dulot ng habagat.” Bahagi ng pabatid ng Diocese of Malolos.

Kaugnay nito ayon kay Malolos Diocesan Social Action Coordinator, Ms. Daday Pascual malawak na ang epekto ng kasalukuyang sama ng panahon sa Bulacan kung saan bukod sa pagkalubog sa tubig baha ng maraming mga lugar ay marami na ring mga Simbahan ang pinasok ng baha.

Ibinahagi rin ni Pascual ang inisyal na 300 relief packs ng diyosesis para sa mga apektadong mamamayan.

“Halos lahat po affected. Malalim sa mga affected ng high tide. Pinasok na marami sa mga simbahan pati mother parishes. Obando, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Guiguinto, Balagtas, Hagonoy, Polo Valenzuela. Di pa po makatawid yung relief namin, sa ngayon 300 packs pa lang na release. Waiting pa sa transpo.” Ayon kay Pascual sa Radyo Veritas.

Una na ring ibinahagi ng Diyosesis ng Malolos ang pagbubukas ng iba pang mga Simbahan sa diyosesis partikular na sa mga mababang lugar sa Bulacan kasama na Marilao, Guiguinto, Meycauayan, Bocaue, Calumpit, Santa Maria, Hagonoy, Valenzuela, at Malolos.

Samantala, pinangangambahan naman ang patuloy na pagtaas ng antas ng tubig sa Bulacan na maaring umabot ng hanggang sa anim na talampakan dahil sa patuloy na malakas na pagbuhos ng ulan at pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 31,005 total reads

 31,005 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 64,633 total reads

 64,633 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 101,116 total reads

 101,116 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 119,328 total reads

 119,328 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 201,977 total reads

 201,977 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top