Pananalangin, pagtitika at pagtulong sa mga kapos – palad ang diwa ng Cuaresma.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 762 total views

Inihayag ni dating CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na tinuturuan tayo ng Miercoles De Ceniza o “Ash Wednesday” na tayo ay galing sa alabok at tayo ay babalik sa alabok.

Ipinaliwanag ni Archbishop Cruz na sinisimbolo nito ang kaligtasan sa pagtatakwil sa sariling kagustuhan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos.

“Ang unang aral ng Miercoles De Ceniza kapag tayo ay pinunasan o nilgagyan ng abo sa ulo ang sinasabi dun ay sa abo ka galing at sa abo ka babalik. Ibig sabihin lahat tayo galing sa wala at kapag tayo ay namatay na ang punta natin ay sa Panginoon. That is creation and salvation.” pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Archbishop Cruz na sa ating pag – aayuno at pagsasakripisyo ay ating pakikiisa sa paghihirap ni Kristo.

Ipinaalala rin nito na hindi beatification o pagpapaganda ang layunin ng fasting at abstinence kundi sanctification o pagpapabanal sa paggawa ng kabutihan sa kapwa.

“Ikalawa ang hindi natin pagkain ng karne ngayong araw na ito at sa iba pang araw ng Biyernes ibig sabihin lang nun ay isang sakripisyo. Sapagkat mahilig tayong kumain ng karne at ang hindi pagkain nito ay pagsasakripisyo, yun ay alay na rin natin sa Panginoon na gunitain natin ang kanyang pagsasakripisyo at pagkamatay sa Krus.” Giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.

Magsisimula ngayong unang araw ng Marso ang Cuaresma na siyang paghahanda ng mahigit isang bilyong Romano Katoliko sa pagpapakasakit, paghihirap at muling pagkabuhay ni Hesus.

Nauna na ring nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Katoliko na makibahagi sa Fast2Feed program ng Hapag-Asa na layuning makalikom ng pondo para tinatayang dalawampung libong bata sa mga mahirap na komunidad sa Metro Manila.(Romeo Ojero)

Read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-pakikiisa-sa-fast2feed-program/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 20,708 total views

 20,708 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 43,860 total views

 43,860 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 113,974 total views

 113,974 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 188,588 total views

 188,588 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 267,179 total views

 267,179 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top