Caritas Kalookan, umaapela ng tulong sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,344 total reads

Umapela na ng tulong ang Caritas Kalookan sa social arm ng Archdiocese of Manila para sa mga naapektuhan ng sama ng panahon na dulot ng Habagat sa nasasakupang lugar ng diyosesis.

Sa panayam sa Radyo Veritas, ay inihayag ni Sr. May Cano, OP. – Program Coordinator ng Caritas Manila mula Diyosesis ng Kalookan na sumulat na sa Caritas Manila ang diyosesis sa pangunguna ni Caritas Kaloocan President Fr. Alan Lopez, OP para sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa diyosesis.

Tiniyak rin ng Madre ang pagbabantay sa sitwasyon sa diyosesis kabilang na ang kalagayan ng mga apektadong residente at mga mamamayan dulot ng patuloy na banta ng sama ng panahon dahil sa Hanging Habagat.

Inihayag naman ni Sr. Cano na kabilang sa inisyal na pangangailangan ng mga apektadong residente sa diyosesis ang mga kumot, inuming tubig at pagkain.

“Sumulat na po kami ni Fr. Alan Lopez, OP [Caritas Kaloocan President] sa Caritas Manila, nagpasa na kami ng sulat [letter of appeal] kahapon kay Fr. Anton CT Pascual [Pangulo ng Caritas Manila] dahil nakausap ko po siya last Thursday nagmeeting kami at nagbibigay kami ng update ngayon kung ano po lahat ang apektado para po ma-update namin kayo sa mga pangyayari dito sa Diocese of Kalookan. Kailangan po ang mga blankets, mga bottled water, purified water, saka pagkain po.” Bahagi ng pahayag ni Sr. Cano sa Radyo Veritas.

Kabilang sa partikular na mga lugar na tinukoy ng Madre na apektado ng sama ng panahon sa Diyosesis ng Kalookan ang Barangay Tonsuya, Malabon; Barangay Tanza Dos, Navotas; San Bartolome Parish, Malabon; komunidad malapit sa Dela Paz Elementary School, Malabon; gayundin ang Barangay Panghulo, Malabon.

Kabilang sa nasa lugar na nasasakop ng Diyosesis ng Kalookan ang Malabon, Navotas at southern Kalookan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,727 total reads

 106,727 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,246 total reads

 183,246 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,694 total reads

 216,694 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 251,994 total reads

 251,994 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,352 total reads

 474,352 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top