Kaligtasan ng mamamayan sa bagyong Dante, ipinagdarasal ni Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,998 total views

Hinikayat ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga mananampalataya na magalak sa pag-asang hatid ni Hesus sa kabila ng mga pagsubok dulot ng mga sakuna at kalamidad.

Ayon kay Malolos Bishop Dennis Villarojo, hindi pa man lubusang nakababangon ang diyosesis sa mga tinamong pinsala mula sa epekto ng nagdaang Bagyong Crising at hanging Habagat, nagbabanta naman ang binabantayang Bagyong Dante at Emong.

“Sa mga sandaling ito, maaaring inuunawa natin kung ano ang kahulugan ng pag-asa dahil tila walang katapusan ang ating pagdurusa, lalo na ang mga lubos na nasalanta,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Sa kasalukuyan, lubog pa rin sa baha ang ilang parokya, partikular sa Bulacan—kabilang ang mga lungsod ng Meycauayan at Malolos, at mga bayan ng Bocaue, Hagonoy, Obando, Calumpit, Guiguinto, Marilao, at Balagtas—gayundin sa Lungsod ng Valenzuela, bunsod ng walang patid na pag-ulan.

Sinabi ni Bishop Villarojo na bagamat may krisis, patuloy na naipadarama ni Hesus ang kanyang presensya sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya at pagtulong sa mga higit na nangangailangang nasalanta ng kalamidad.

“Minamahal na bayan ng Diyos, ang pag-asa natin ay si Hesus…na patuloy nating tinatanggap lalo na sa Banal na Misang ipinagdiriwang kahit lubog sa baha ang ilan nating simbahan. Si Hesus na kumikilos sa pagkatao ng mga tumutulong sa mga nasalanta – nagbibigay ng damit at pagkain, nagpapatuloy sa mga walang masilungan, at sumasagip sa mga nasa panganib,” ayon kay Bishop Villarojo.

Ibinahagi naman ng obispo na nauna nang nagpaabot ng tulong ang Diocesan Commission on Social Action (CSA), at nanawagan ding ipagpatuloy ito sa pamamagitan ng Parish CSA, gayundin ang pagbubukas ng mga kapilya at simbahan para sa mga walang matuluyan.

Nagpasalamat din si Bishop Villarojo sa patuloy na nagpapaabot ng tulong, maging sa mga kinauukulan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.

“Kayo ang mukha ng pag-asang nasasalig kay Hesus,” ayon sa obispo.

Dalangin naman ng obispo ang patuloy na kaligtasan ng lahat at ang sama-samang paglalakbay tungo sa pagbangon upang muling makamtan ang liwanag ng pag-asa mula sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 8,533 total views

 8,533 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 34,989 total views

 34,989 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 85,673 total views

 85,673 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 91,431 total views

 91,431 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 120,031 total views

 120,031 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top