Sana ay mali kami

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,946 total views

Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, lalo na sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Fr. Puno, matindi ang pangamba ng mga tagapangalaga ng kalikasan sa patuloy na paggamit ng fossil fuels tulad ng karbon, langis, at fossil gas na unti-unting pumipinsala sa mundo.
Binigyang-diin din ng pari ang epekto ng pagtatayo ng mga coal-fired power plants na bagamat layuning mapunan ang pangangailangan sa enerhiya, ay nagdudulot naman ng polusyon, pagkasira ng kalikasan, at banta sa kalusugan ng mamamayan.
“Sana ay hindi totoo na sa bawat megawatt ng kuryente ay kapalit ang pagkasira ng kabundukan, kontaminasyon ng tubig, at karamdaman ng mamamayan. Sana ay tama sila—na hindi ito makakasama sa kalusugan, sa kalikasan, sa kinabukasan ng ating mga anak,” pahayag ni Fr. Puno.
Ngunit iginiit ng pari, hindi na maikakaila ang krisis sa klima na pinalalala ng patuloy na pagsira sa likas na yaman at kakulangan sa pagtutok sa malinis at makataong alternatibo sa enerhiya.
Para kay Fr. Puno, ang usaping ito ay hindi lamang teknikal, kundi pangkatarungan, dahil habang patuloy na kumikita ang malalaking industriya, ang mga nasa laylayan tulad ng mga magsasaka, mangingisda, at maralita ang higit na naaapektuhan ng krisis sa klima.
“Kung sakali mang kami’y nagkamali, wala namang mawawala sa panawagan naming pangalagaan ang kalikasan. Ngunit kung sila ang nagkamali… lahat tayo ang magdurusa. Walang ligtas sa bumabagsak na klima,” giit ng pari.
Pagbabahagi ng pari, na sa bawat pagkilos bilang tagapangalaga ng kalikasan, dala nito ang pangambang hindi pakinggan ang bawat hinaing, ngunit may pag-asang may magising, may kumilos, at may makialam.
“Ang pagiging environmental advocate ay hindi pagiging kontra sa pag-unlad, kundi paninindigan para sa makatarungan at makakalikasang kaunlaran,” dagdag niya.
Sa huli, nananawagan si Fr. Puno sa sambayanan na makinig, hindi lamang sa agham, kundi sa hinaing ng Inang Kalikasan, sa sigaw ng mga apektado, at sa tinig ng Diyos na patuloy na nagmamahal sa sangnilikha.
Magugunitang ibinahagi ng yumaong Papa Francisco sa Laudato Si’ ang panawagang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang tugunan ang kakulangan sa kuryente, at ihinto ang paggamit ng mapaminsalang fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 217,636 total views

 217,636 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 247,860 total views

 247,860 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 274,504 total views

 274,504 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 369,477 total views

 369,477 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 376,417 total views

 376,417 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top