Archdiocese of San Fernando, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,778 total reads

Umapela ng patuloy na tulong at suporta ang Social Action Center ng Arkidiyosesis ng San Fernando (SACOP), Pampanga para sa mga naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon na dulot ng magkakasunod na Bagyong Crising, Dante at Emong na pinaigting pa ng Hanging Habagat.

Sa panayam ni Rev. Fr. Justin Gatus, SAC Director ng arkidiyosesis sa programang Caritas in Action sa Radyo Veritas ay nanawagan ang Pari, para sa patuloy na isinasagawang donation drive o pangangalap ng tulong ng Social Action Center ng Arkidiyosesis ng San Fernando (SACOP) para sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Bukod sa tulong pinansyal ay tumatanggap rin ang in-kind donation ang SACOP na maaring dalhin sa tanggapan nito sa SACOP Compound Pampanga.

“Nakapost po ang ating call for donation sa ating Facebook page ng SACOP, naroon po ang ating mga Bank Accounts, yun naman pong mga gusto mag-donate ng in-kinds, puwede po nating i-drop sa ating opisina dito sa SACOP Compound, Pampangga, at gayundin maraming salamat sa suporta ng ating mahal na Obispo Archbishop Florentino Lavarias, DD. at sa mga dasal lalong-lalo na sa pag-antabay sa amin, sana patuloy nating tulungan ang mga kapatid natin naapektuhan ng baha.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gatus sa Radyo Veritas.

Nagpapasalamat naman ang Pari sa lahat ng mga una ng nagpaabot ng tulong sa lahat ng mga naapektuhan ng malawakang pagbaha sa probinsya.

Nanawagan naman ng pananagutan si Fr. Gatus sa mga opisyal ng pamahalaan kabilang na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ganap na tupdin ang kanilang mga pangako at solusyunan ang iba’t ibang mga suliraning panlipunan kabilang na ang suliranin sa pagbaha na hindi dapat na maging normal na sitwasyon sa anumang lugar sa bansa.

Giit ng Pari, dapat na magkaisa ang bawat mamamayan sa pagpapanagot sa mga opisyal ng bayan upang ganap na maranasan ang naaangkop na serbisyo na katumbas ng kanilang posisyon at katungkulan pinanghahawakan.

“Hindi lang tayo mga resilient na tao, meron sana ding accountability ang mga pinili nating mga leaders, sana hindi lang si President BBM kundi lahat ng mga leaders natin na pinili, tignan natin, i-follow up natin ang mga pangako nila na sana hindi na lang tayo maging resilient pero yung bang masolusyunan ang iba’t-ibang issues sa ating lipunan lalong-lalo na itong baha, hindi po ito normal, hindi po ito bahagi ng New Normal, meron pong magagawa kung bibigyan lamang ito ng oras at pagkakataon.” Dagdag pa ni Fr. Gatus.

Kaugnay nito, una ng kinundina ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na katiwalian sa kaban ng bayan na nagdudulot ng pagdurusa sa mga mamamayan sa lipunan.

Ayon kay Cardinal David, tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan na maglingkod ng buong katapatan para sa kabutihan at kapakanan ng mga mamamayan.

(with Veritas Intern Michael Encinas)

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,947 total reads

 24,947 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 173,244 total reads

 173,244 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 207,920 total reads

 207,920 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 224,032 total reads

 224,032 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 260,517 total reads

 260,517 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 268,735 total reads

 268,735 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 24,948 total reads

 24,948 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top