National Shrine of the Sacred Heart, magsasagawa ng devotional exhibit sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,518 total reads

Inaanyayahan ng National Shrine of the Sacred Heart ang mananampalataya sa devotional exhibit ng Sacred Heart of Jesus ngayong Agosto bilang isa sa mga tampok na gawain sa 350th Jubilee Year ng apparition ng Sacred Heart.

Ayon kay Shrine Team Ministry Member at Radio Veritas, President Fr. Roy Bellen magandang pagkakataon ito upang matulungan ang mananampalataya na mapalawak ang kamalayan hinggil sa debosyon ng Kabanal-banalang Puso ni Hesus.

Ito ay pagkakataon din na alalahanin ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng mga kahinaang taglay ng tao.

“Ngayong taon 2025 ang ika – 350th year mula ng ihayag ng ating Panginoon sa pamamagitan ng santa ang kanyang nag-uumapaw na pag-ibig sa sangkatauhan sa kabila ng kasalanan at salat na pagmamahal ng tao sa Diyos,” pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Binigyang diin ni Fr. Bellen na pinaiigting ng national shrine ang pagsusulong sa debosyon ng Sacred Heart of Jesus sa pamamagitan ng mga gawaing magpapalago sa pananampalataya ng mamamayan tulad ng isasagawang devotional exhibit.

“Dalawin po ninyo ang exhibit at ito’y makatutulong sa paglawak ng ating kamalayan tungkol sa debosyon at makapagpalalim din sa ating pananampalataya,” giit ni Fr. Bellen.

Pasisinayaan ang exhibit sa August 1, kasabay ng First Friday devotion sa Mall of Asia sa Pasay City partikular sa Skypark sa bahagi ng MOA Sanctuary sa ikaapat na palapag ng establisimiyento.

Bukas sa publiko ang exhibit tuwing mall hours mula August 2 hanggang October 31, 2025.

Batay sa kasaysayan sa pagitan ng 1673 hanggang 1675 nang sunod-sunod na magpakita si Hesus sa visionary French Visitation nun na si St. Margaret Mary Alacoque sa Visitation Monastery sa Paray-le-Monial, France kung saan hiniling na isulong ang ipalaganap ang debosyon sa Sacred Heart.

Noong June 1675 ang tinaguriang ‘Great Apparition’ kung saan itinuro ni Hesus ang Kanyang Puso na napapalibutan ng mga tinik, may ningas at may krus kasabay ng kahilingang itatag ang kapistahan ng Sacred Heart sa araw ng Biyernes makalipas ang octaba ng Corpus Christi bilang kabayaran sa lahat ng kasalanan laban sa Puso ni Hesus.

Bagamat may agam-agam ang simbahan ay nagtagumpay ang pagsusulong sa debosyon ng Sacred Heart sa tulong ni St. Claude de la Colombière ang confessor ni St. Margaret Mary at naitatag ang kapistahan noong 1856 sa pamamagitan ni Pope Pius IX.

Tampok sa exhibit ang original painting ng Sacred Heart of Jesus ng national shrine na nilikha ni Fr Arman Tangi, SSP, ang relic nina Sts. Margaret Mary Alacoque at St. Claude de la Colombière.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 8,878 total reads

 8,878 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,005 total reads

 9,005 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 16,581 total reads

 16,581 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 72,987 total reads

 72,987 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 196,488 total reads

 196,488 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 281,045 total reads

 281,045 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top