Heart to heart exhibit, pormal na binuksan ng Archdiocese of Manila sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,857 total reads

Pormal nang pinasinayaan ng Archdiocese of Manila ang “Heart to Heart” exhibit sa Sanctuary ng Mall of Asia sa Pasay City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Genaro Diwa, Minister ng Archdiocesan Liturgical Commission, layunin ng exhibit na ibahagi sa mamamayan ang diwa ng pag-ibig ni Hesus na bukal ng tunay na pag-asa.

“Makikita natin sa exhibit na ito ang katotohanan ng Jubilee of Hope na ipinakikita sa puso ni Hesus—na Diyos na nagkatawang-tao—na nagmamahal sa atin,” pahayag ni Fr. Diwa sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Diwa na ang pag-asa ng sangkatauhan ay hindi nakabatay sa mundo kundi sa walang-hanggang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na nahayag sa pag-aalay Niya ng Kanyang bugtong na Anak sa krus.

“Ito ang pinanghahawakan ng pag-asa natin—ang pagtitiwala sa Diyos dahil tayo’y minamahal,” dagdag pa niya.

Tampok sa exhibit ang debosyon sa Sacred Heart of Jesus bilang paggunita sa 350th anniversary ng ‘Great Apparition’ noong Hunyo 1675, nang magpakita si Hesus kay St. Margaret Mary Alacoque, isang French Visitation nun sa Paray-le-Monial, France.

Sa kanyang pagpapakita, hiniling ni Hesus na itatag ang kapistahan ng Kabanal-banalang Puso sa Biyernes matapos ang oktaba ng Corpus Christi, upang mapalaganap ang debosyon sa Kanyang Puso na puno ng pagmamahal at habag.

Bahagi rin ng exhibit ang pagbibigay-pugay kay St. Thérèse of the Child Jesus, sa paggunita ng ika-100 anibersaryo ng kanyang canonization noong Mayo 17, 1925.

Si St. Thérèse, isang French Carmelite nun, ay kilala sa kanyang espiritwalidad ng “Little Way”, na nakatuon sa kababaang-loob, pagtitiwala, at pag-ibig sa Diyos sa maliliit na bagay.

“Sa pagdiriwang ng 100 years ng canonization ni St. Thérèse, ipinapakita namin ang kanyang ‘Little Way’—confidence and love of God,” ani Fr. Diwa.

Ayon pa sa kanya, ang debosyon kay St. Thérèse at sa Sacred Heart ay parehong nakaugat sa pagmamahal ng Diyos at pagtugon ng tao sa pag-ibig sa pamamagitan ng tiwala at debosyon.

“Sana itong aming exhibit ng Sacred Heart ay muling magbukas ng pang-unawa at pagtugon ng mga Kristiyano sa debosyon sa Sacred Heart,” dagdag niya.

Ang exhibit ay katuwang na proyekto ng Archdiocese of Manila, SM Mall of Asia, Miraculous Medal Apostolate (Museo ng Medalya Milagrosa), National Shrine of the Sacred Heart, at Jesuit Music Ministry.

Matutunghayan din sa exhibit ang painting ng Sacred Heart of Jesus mula sa National Shrine na nilikha ni Fr. Arman Tangi, SSP, at ang mga relic nina Sts. Margaret Mary Alacoque at St. Thérèse.

Pinangunahan nina Fr. Diwa at Fr. Mark Campit, Parochial Vicar ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagbabasbas ng exhibit na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang partner organizations.

Inaanyayahan ng Arkidiyosesis ang lahat ng mananampalataya na bumisita sa “Heart to Heart” exhibit sa MOA Sanctuary, na bukas sa publiko mula Agosto 2 hanggang Oktubre 31, 2025, ayon sa mall hours.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,811 total reads

 81,811 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 116,210 total reads

 116,210 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,510 total reads

 151,510 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,779 total reads

 377,779 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,807 total reads

 266,807 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top