Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ATM, dismayado sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,774 total views

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa desisyon ng Senado na isantabi ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ang hakbang ng Senado ay malinaw na kabiguan sa pagsunod sa kanilang mandato bilang malayang institusyon ng pamahalaan.

“We are witnessing today the implementation of a distorted form of justice, where the rich and powerful are allowed to continue their abuse of power,” pahayag ni Garganera.

Binatikos din ng grupo ang kawalan ng transparency at pananagutan sa proseso, sa kabila ng malawakang panawagan ng taumbayan na ituloy ang paglilitis sa kaso.

Iginiit ni Garganera na sa halip na pakinggan ang hinaing ng publiko para sa bukas at makatarungang paglilitis, pinili ng Senado na talikuran ang kanilang tungkulin.

Sa huli’y tiniyak ng ATM ang pakikiisa sa mamamayang Pilipino sa panawagan para sa pananagutan ng mga halal na opisyal.

“We stand with all Filipinos who demand accountability from our elected leaders to serve the interests of the people, and not the political ambitions of dynasties and elites,” saad ni Garganera.

Una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs executive secretary Fr. Jerome Secillano ng taimtim na panalangin at paggabay ng Espiritu Santo para sa mga opisyal ng pamahalaan na may tungkulin sa usaping legal, upang maging tapat at makatarungan para sa ikabubuti ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 29,017 total views

 29,017 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 96,505 total views

 96,505 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 117,570 total views

 117,570 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 139,948 total views

 139,948 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 175,372 total views

 175,372 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top