Mental health mission, isasagawa ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,321 total reads

Bilang tugon sa lumalalang krisis sa kalusugang pangkaisipan sa bansa, ilulunsad ng Cofradía de Tránsito de Nuestra Señora ang kauna-unahang Mental Health Mission sa darating na August 30, 2025, sa San Nicolas de Tolentino Parish, Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay Rex Jardinero, Pangulo ng Cofradía, layunin ng programa na makapaghatid ng libreng mental health support sa mga mamamayang hindi kayang magpakonsulta sa mga health facilities.

“Bilang konkretong tugon sa hamon na tumulong sa mga nangangailangan ng suportang mental at emosyonal, isasagawa ng Cofradía ang Mental Health Mission,” ani Jardinero.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng paghahanda ng Cofradía para sa ika-400 anibersaryo ng pagdating sa Pilipinas ng mapaghimalang imahe ng Nuestra Señora de la Salud noong 1634, sa pamamagitan ng mga misyonerong Agustino.

Sa panahong ito, ninanais ng grupo na makilakbay kasama ang mga nahihirapan sa katahimikan, upang ipadama ang paglingap at kagalingang hatid ni Inay Salud.

“Many are silently struggling with emotional and mental burdens. This time, we walk with them — with compassion, with care, and with Inay Salud’s healing love,” saad pa ng grupo.

Ang mental health mission ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng San Nicolas de Tolentino Parish at ng MindBlends Psychological Services, na magbibigay ng konsultasyon sa mga lisensyadong mental health professionals.

Ayon sa pag-aaral ni Dr. Wilfredo II Francis Mina mula sa Guidance and Counseling Program ng University of the Philippines Manila, mahigit 11% ng populasyon ng Pilipinas — o humigit-kumulang 12.5 milyong Pilipino — ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng mental disorders, dulot ng kahirapan, kalamidad, at mga hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Samantala, kamakailan lamang ay nabahala ang Philippine National Police (PNP) sa mahigit 2,000 kaso ng pagpapatiwakal na naitala sa unang anim na buwan ng 2025.

Dahil dito, nananawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng mas malalim na pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan upang tugunan ang lumalalang krisis sa mental health “nang may malasakit at buong puso.”

Para sa mga nagnanais lumahok sa libreng mental health consultation, maaaring magpatala sa pamamagitan ng link na ito: https://forms.gle/7ovdTL2o9bMYB3hN7 o kaya ay i-scan ang QR code para sa one-on-one mental health support sessions na isasagawa sa gabay ng mga lisensyadong health professionals.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 55,228 total reads

 55,228 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 159,673 total reads

 159,673 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 196,461 total reads

 196,461 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 227,036 total reads

 227,036 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 273,209 total reads

 273,209 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top