Conclave, isasagawa ni PBBM sa problema ng online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,090 total views

Kumilos na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maghanap ng epektibong solusyon sa lumalalang problema ng online gambling sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng serye ng konsultasyon kasama ang iba’t ibang sektor upang suriin ang epekto nito sa lipunan at sa kriminalidad.

Ayon sa Pangulo, “May ginagawa na ngayong ‘conclave’ kung saan kinukonsulta ang lahat ng partido kabilang na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga magulang, mga guro, mga eksperto sa addiction at maging ang mga pulis para malaman ang epekto sa kriminalidad.

Binanggit din niya na kailangang pag-aralan nang mabuti ang mga opsyon bago magtakda ng malinaw na polisiya laban sa illegal gambling. “And we really have to examine what are the options. Ano pa talagang policy natin dapat gawin dito sa illegal gambling? Because it’s not that simple. Ang nagiging sigaw lagi, ban this, ban, ban, ban.

Binanggit ng Pangulo ang karanasan sa e-sabong ilang halimbawa ng mga hamon sa pagbabawal. “Ano ang nangyari sa e-sabong? Tingnan natin. Natigil ba? Magkano ang pusta sa e-sabong? 50 centimos. So, lahat talaga nadadamay. Let’s use that as an example. Successful ba yung pag-ban natin sa e-sabong? Kung hindi, bakit hindi naging success? Yun ang mga kailangan natin pag-aralan.”

Dagdag pa niya, “Since nakita natin na nagka-problema, paano natin ayusin yung problema? Ang solusyon ba ay mag-ban o iba ‘yung gagawin natin? But in my opinion, ban will not take care of the problem. We have to be a little bit more measured in our response.

Bukas naman ang Pangulo sa posibilidad ng pagbabawal kung ito ang pinakamainam na hakbang. “If it comes down to a ban, then we will ban. But if there are better solutions than a ban, we will take those on.”

Bukod sa inilabas na pastoral letter ng CBCP, ilang mga opisyal ng kalipunan ng mga obispo ang nanawagan ng ‘total ban’ laban sa online-gambling kabilang na sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at Cebu Archbishop-designate Alberto Uy.

Giit ng mga obispo, hindi matutumbasan ng kita o buwis mula sa sugal ang pinsalang dulot nito sa kabataan, pamilya at lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 28,544 total views

 28,544 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 56,895 total views

 56,895 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 124,625 total views

 124,625 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 147,776 total views

 147,776 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 215,865 total views

 215,865 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top