Mga katutubo sa Balabac, Palawan, nagpapasalamat sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,954 total reads

Nagpapasalamat ang mga residente ng Mariahangin, Bugsuk sa Balabac, Palawan sa pagsuporta ng Simbahang Katolika, matapos maglabas ng pastoral statement ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mariing kinokondena ang sapilitang pagpapalayas sa mga residente ng isla para bigyang-daan ang planong luxury tourism project.

Ayon kay Bhebz Pelayo, isa sa mga residente ng Sitio Mariahangin, matagal na nilang hinintay ang ganitong suporta mula mismo sa mga kardinal at obispo.

Pinuri ni Pelayo ang pagsuporta ng Simbahan, hindi lamang sa panalangin, kundi pati sa konkretong tulong at presensya sa kanilang pakikipaglaban.

“Umaasa po kami na sa pamamagitan ng pahayag na ito, matauhan na po ang mga ahensya ng gobyerno na may mandato na tulungan kami. Sana po ay kumilos na sila para sa kapakanan ng buong komunidad,” ayon kay Pelayo.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Sally Bersabal, Head Servant ng Our Lady of Perpetual Help Chapel, lalo na kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, sa walang sawang panalangin at tulong sa pamayanan.

Binigyang-diin ni Bersabal na naging mahalagang sandigan para sa komunidad ang mga materyal na tulong mula sa Simbahan sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

“Maraming-maraming salamat po sa tulong at suporta ng kaparian, lalo na po kay Bishop Socrates Mesiona… Sa loob ng isang taon, hindi n’yo kami pinabayaan sa mga panalangin na mapaalis ang mga blue guards,” ayon kay Bersabal.

Sa pahayag ng kapulungan, sa pangunguna ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, nanawagan ang mga obispo sa Department of Agrarian Reform (DAR) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na muling suriin ang mga land coverage notice at pabilisin ang pagbibigay ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para sa mga Molbog at Cagayanen.

Para sa mga taga-Mariahangin, higit pa sa simbolo ang moral at espirituwal na suporta ng Simbahan na nagsilbing tunay na pag-asa at matatag na sandigan sa gitna ng pakikipaglaban.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,021 total reads

 5,021 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,149 total reads

 5,149 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,140 total reads

 10,140 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,546 total reads

 66,546 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,048 total reads

 190,048 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,028 total reads

 275,028 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,886 total reads

 174,886 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top