Pagtutulungan, panawagan ng LASAC sa lahat ng DSAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,835 total reads

Hinimok ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang mga Diocesan Social Action Centers na magtulungan at pagtingin ang paglaban sa malnutrisyon sa Pilipinas at lumalalang krisis ng education poverty sa mga kabataan.

Ito ang mensahe ni LASAC Executive Director Father Jayson Siapco bilang paghahanda ng kanilang Diocesan Social Action Commission (DSAC) sa nalalapit ng ika-siyam na pagdiriwang ng World Day of the Poor.

Ayon sa Pari, ang pagtugon sa dalawang suliranin ay tungkulin ng simbahan upang hubugin ang susunod na henerasyon at maging handa bilang mabuting mamamayan na sinusunod at kaisa ng simbahan sa anumang pagkakataon.

“Sa ating mga kasama sa paglilingkod sa social action network at sa aking mga kasamang direktor ng bawat diyosesis para sa social action centers nila, ang aking paanyaya, magandang tingnan natin sa pagkakataong ito ang usapin ng stunting, ito ay isang usapin na kailangan nating tingnan at magandang makita natin ito sa liwanag ng turo ng simbahan at kung paano tayo ay makakatugon sa kaniya-kaniya nating sitwasyon,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Siapco.

Nawa, panalangin ng Pari na sa tulong ng mga DSACs at pagtutulungan nila ay matulungan ang mga bata na makamit ang mga sapat na nutrisyon at mabawasan o tuluyang maiwaksi sa lipunan ang education poverty o pagkamang-mang sa mga batang mag-aaral.

Tiniyak din ni Father Siapco ang paghahanda ng LASAC sa nalalapit na ika-siyam na pagdiriwang ng World Day of the Poor kung saan sa Archdiocese of Lipa ay higit na paiigtingin ang palalawigin ang pagtugon sa dalawang suliranin para sa mga kabataan.

“Mayroong mga datos o research na pinalabas na, at ito ay pwedeng maibahagi sa atin, baka magandang makita natin sa ating mga sariling diyosesis, tayo ba ay gaano yung- percentage na effect nito sa atin at depende sa pagtaas ng porsyento ng effect, baka kailangan mas mataas din yung pagkilos natin para sa dito, ito ay isang paanyaya sa inyo mula sa inyong Social Action Network Representative at bilang kapatid ninyo sa paglilingkod sa larangan ng social action,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Siapco.

Sa nakalipas na linggo ay umapela sa pamahalaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine na tugunan ang suliranin ng malnutrisyon at stunting na idinudulot nito sa mga bata o pagkabansot na hindi normal na paglaki matapos maranasan ang matinding gutom at kakulangan ng nutrisyon sa kanilang paglaki.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,988 total reads

 16,988 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,830 total reads

 54,830 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,040 total reads

 73,040 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,369 total reads

 157,369 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,942 total reads

 193,942 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 19,720 total reads

 19,720 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top