Muling pagbubukas ng ipinasarang St.John The Baptist church, pinangunahan ni Archbishop Jumoad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,424 total reads

Pinangunahan ni Ozamis Archbishop Martin S. Jumoad ang opisyal na muling pagbubukas ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental noong ika-16 ng Agosto, 2025 matapos na pansamantalang ipasara ng Arsobispo dahil sa insidente ng sacrilege o kalapastanganan sa Simbahan noong ika-5 ng Agosto, 2025.

Sa panayam sa Radyo Veritas ay ibinahagi ng Arsobispo ang kaligayahan sa muling pagbubukas ng Simbahan matapos na maisakatuparan ng mga mananampalataya sa parokya ang mga kinakailangang acts of reparation na upang hingin ang awa ng Diyos, ituwid ang kasalanang ginawa laban sa kabanalan ng Simbahan, at ipanalangin ang kagalingan at pagpapanibago matapos ang naganap na paglapastangan sa Simbahan.

Kabilang sa partikular na tinukoy ng Arsobispo ay ang pagsasagawa ng Holy Hour, pangungumpisal, at pagsasagawa ng siyam na araw na Prayer Vigil na nagsimula noong ika-7 ng Agosto, 2025.
“Tayo po ay natutuwa kasi binuksan na natin ang ating Simbahan and sana po kayo po ay talagang magdasal at kailangang ingatan ang mga pangyayari doon sa Simbahan ng Saint John the Baptist Church. Never allow people who will do evil inside the church, doing sacrilegious acts at ako po ay nagagalak kasi kayo po ay may pinakita na talagang kayo ay gustong gusto na buksan na natin ang ating church.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Jumoad sa Radyo Veritas.

Samantala, ipinapa-sa-Diyos na lamang ng Arsobispo ang babaeng vlogger na lumapastangan sa holy water font ng Simbahan noong ika-3 ng Agosto, 2025 na dahilan ng pagpapasara sa parokya at humingi ng tawad sa pamamagitan ng kanyang vlog at pagbibigay ng mga panayam.

Paliwanag ni Archbishop Jumoad, tanging ang Panginoon lamang ang tunay na nakakakita sa puso ng bawat isa at Siyang makakaalam kung taos-puso ang pagsisisi nito sa kanyang nagawang kasalanan.
“I think she has done it [apology] through her vlog and siya po ay nagpa-interview, I know that God is more merciful and God also will see our heart that we are really sincere in our repentance of our sins.” Pagbabahagi ni Archbishop Jumoad.

Ayon sa Arsobispo, ang muling pagbubukas ng Simbahan ay tanda ng paggaling at pagbabagong-loob ng sambayanan kaya naman muling pinaalalahanan ng punong pastol ang mga mananampalataya sa parokya na patuloy na manalangin, magsisi, at magbalik-loob kasabay ng higit na pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng Simbahan at mga sakramento sa Simbahang Katolika.

Binigyang diin rin ni Archbishop Jumoad na bahagi ng tungkulin ng mga mananampalataya sa parokya ang protektahan ang Simbahan mula sa mga taong nagnanais na lumapastangan sa kasagraduhan ng Simbahan.

Samantala, umaasa naman ang Arsobispo na ipagpatuloy ng pamunuan ng Simbahan sa pangunguna ni Rev. Fr. Rolly Lagada –ang kura paroko ng Saint John the Baptist Parish sa Jimenez katuwang ang parochial vicar ng Simbahan na si Rev. Fr. Rommel Rudinas ang pagbabahagi ng katesismo upang sa mga mananamapalataya kaugnay sa paggalang at pagpapahalaga sa kasagraduhan ng Simbahan at ng mga sakramento ng Simbahang Katolika.

Paalala ni Archbishop Jumoad, “The church is a symbol of hope that is why we come together to the church and we have to preserve, to protect in order that the church will never be [victim] to people who have sacrilegious intentions. Congratulations to the people of Saint John the Baptist Church in Jimenez, Misamis Occidental. Salamat po din sa ating kura paroko si Fr. Rolly Lagada at sa kanyang assistant si Fr. Rommel Rudinas, to the PPC, and to the finance council and all leaders from the office to the church in order to pray for the opening of the church there in Jimenez, Misamis Occidental.”

Matatandaang ika-11 ng Agosto, 2025 ng pormal na umapela at nanawagan kay Archbishop Jumoad ang pamunuan ng Simbahan sa pangunguna ni Fr. Lagada upang pahintulutan na ang pagbubukas sa kanilang “spiritual home” kung saan nabinyagan, nakatanggap ng mga Sakramento, at nagdiwang ng mahahalagang sandali ng pananampalataya ang mga parishioner’s ng parokya.

Nakatuwang ni Archbishop Jumoad sa pagdiriwang ng banal na misa at rito ng pagbubukas at reconsecration sa Simbahan noong ika-16 ng Agosto, 2025 ganap na alas-tres ng hapon ang mga pari ng Arkidiyosesis ng Ozamis na dinaluhan naman ng mga mananampalataya ng parokya na lubos ang pasasalamat sa muling pagbubukas ng kanilang Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 20,452 total reads

 20,452 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 241,070 total reads

 241,070 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 275,743 total reads

 275,743 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 291,643 total reads

 291,643 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 326,707 total reads

 326,707 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 50,681 total reads

 50,681 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top