CEAP, naalarma sa karahasang nagaganap sa mga paaralan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,944 total reads

Nanawagan ng pagkakaisa ang Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP sa mga bumubuo sa education sector upang hindi na lumalala ang nararanasang karahasan sa mga paaralan sa Pilipinas.

Tugon ni CEAP Executive Director Narcy Ador Dionisio kasunod ng karahasan sa iba’t-ibang paaralan sa bansa sa nakalipas na buwan.

Iginiit ni Dionisio na bilang katolikong samahan ng mga paaralan ay isinusulong ang kasagraduhan at pangangalaga sa buhay ng tao.

Inihayag ni Dionisio na ang mga pangyayari ay patunay na mayroong kakulangan sa pagtuturo ng values formation, paggalang at habag sa mga mag-aaral maging ng kawani ng mga paaralan.

“The recent incidents of violence in schools deeply challenge our mission as Catholic educators to uphold the sanctity of life and the dignity of every person. These acts of aggression reveal a breakdown in values formation, empathy, and respect, which calls us to strengthen our commitment to integral human development,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Dionisio sa Radyo Veritas.

Nanawagan din si Dionisio sa mga opisyal, guro, kawani, magulang, legal guardians at iba pang nangangalaga sa mga estudyante na magdaos ng mga dayalogo at wastong pakikipag-ugnayan sa mga kabataan upang mahanap at tunay na matugunan ang karahasan.

Hinimok din ng opisyal ng CEAP ang mga katolikong relihiyosong guro na paigtingin ang pagtuturo ng mabuting asal at kasagraduhan ng buhay gayundin ang pagsasapuso ng pagmamahal sa kapwa o pagkakapatiran.

“Guided by the CEAP values of truth and justice, we must address the root causes of violence through honest dialogue, restorative practices, and just systems that protect both students and teachers. In the spirit of peace, we are called to cultivate safe and nurturing environments where conflicts are resolved through understanding rather than harm. As a communion in mission, we stand united to heal our communities, rebuild trust, and reaffirm our shared responsibility to form compassionate, life-affirming learners,” ayon pa sa mensaheng pinadala ni Dionisio sa Radyo Veritas.

Napag-alaman na naganap ang karahasan sa loob ng paaralan sa Pasig at Paranaque gayundin sa Nueva Ecija at Lanao del Sur.

Sangkot ang mga estudyante sa pananaksak at pagpatay sa kapwa estudyante at kanilang mga guro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,198 total reads

 81,198 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,643 total reads

 115,643 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,943 total reads

 150,943 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,212 total reads

 377,212 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,260 total reads

 266,260 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top