We condemn every action that destroys our environment

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,168 total views

Ito ang binigyang-diin ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian sa kanyang pastoral statement na “An Urgent Call for Environmental Stewardship in Abra,” bilang paninindigan ng Diyosesis ng Bangued laban sa large-scale mining sa lalawigan, partikular sa Licuan-Baay.

Ayon kay Bishop Jaucian, ang Yamang Mineral Corporation, na namamahala sa malawakang pagmimina sa lalawigan, ay nakakuha ng Authority to Verify Minerals nang hindi kumukuha ng Free, Prior, and Informed Consent (FPIC) mula sa mga katutubo.

“This is a violation not only of due process but also of their fundamental rights and dignity. Such disregard for law and community raises deep concerns about credibility, respect, and justice,” ayon kay Bishop Jaucian.

Nagbabala si Bishop Jaucian na hindi lamang Licuan-Baay ang maaapektuhan kundi maging ang Malanas at Baay Rivers na dumadaloy sa Abra River, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng tubig sa lalawigan.

Aniya, ang pagmimina ay magdudulot ng kontaminasyon, pagbaha, at pagkasira ng kalikasan, na labis na magpapahirap sa mamamayan.

“What harms one part of Abra, harms us all… Large-scale mining devastates the land, poisons our waters, endangers health, and destroys livelihoods. Its damage cannot be undone,” saad ni Bishop Jaucian.

Iginiit ng obispo, ang pansamantalang pakinabang ay hindi dapat ipagpalit sa pangmatagalang halaga ng kalinisan ng tubig, matabang lupa, at malusog na pamayanan.

Una nang hiniling ng National Anti-Poverty Commissions (NAPC) Regional Basic Sector Coordinating Council (RBSCC) sa Cordillera Region na ipawalang-bisa ang Authority to Verify Minerals sa Yamang Mineral Corporation dahil sa kawalan ng konsultasyon sa mga apektadong katutubo sa Abra.

Nananawagan din ang diyosesis sa mga lokal na opisyal at ahensya ng pamahalaan na pairalin ang batas na mangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mamamayan.

“We call upon all local government officials and government agencies to act with courage and integrity: enforce laws, protect natural resources, and defend the rights of our people,” giit ni Bishop Jaucian.

Hinikayat din ni Bishop Jaucian ang mga Abreño na magkaisa upang mapanatili ang kalikasan para sa kapakanan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.

“If we remain silent, our children and their children will suffer… Let us be united in faith and in action. Let us choose life, justice, and stewardship. And may our collective “yes” to God’s gift of creation become the lasting legacy we pass on to future generations,” ayon sa obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,114 total views

 76,114 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,728 total views

 150,728 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,807 total views

 230,807 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,946 total views

 273,946 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,361 total views

 270,361 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top