Huwag maging ganid sa kapangyarihan, apela ng Arsobispo sa government leaders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,289 total reads

Umapela si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy sa lahat ng lider ng lipunan na iwasan ang pagkaganid sa kapangyarihan at manatiling tapat sa paglilingkod.

Ito ang kanyang mensahe sa paggunita ng National Heroes Day, isang natatanging araw upang alalahanin ang mga bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa.
Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang kanilang sakripisyo ay pagsasabuhay sa halimbawa ni Hesus na nag-alay ng sarili para sa katubusan ng sanlibutan.

“Heroism is not only about dying for our country; it is about living each day with love, sacrifice, and integrity… National Heroes Day is also a call for our leaders—whether in government, the Church, business, or community service—to resist the temptations of greed and power,” ani ng arsobispo.

Binigyang-diin ng arsobispo ang mga hamon ng kasalukuyan kung saan patuloy na pinahihina ng katiwalian, korapsyon, at kawalang-katapatan ang mga institusyon ng bansa—mga sugat na higit na nagpapahirap sa mahihirap.

Giit niya, “These are not just political or social problems—they are moral and spiritual wounds.”

Dagdag pa ni Archbishop-designate Uy, ang mga suliraning ito ay hamon hindi lamang sa mga lider kundi sa lahat ng mamamayan: “May this National Heroes Day inspire us to reclaim the spirit of courage and sacrifice. Let us pray for our leaders, that they may have the strength to reject corruption and instead choose the path of integrity, service, and justice. Let us also renew our own commitment to be everyday heroes—living with faith, hope, and love, so that our beloved Philippines may continue to rise toward a future of truth, unity, and peace.”

Ipinaalala rin ng arsobispo na ang pagiging bayani ay hindi lamang para sa mga pinuno ng lipunan kundi para sa bawat isa.

Aniya, bayani ang mga magulang na nagsusumikap para sa pamilya, ang kabataan na tumatanggi sa pandaraya at kawalang-katapatan, at ang mga komunidad na nagmamalasakit sa mahihirap, nangangalaga sa kalikasan, at nagsasabuhay ng habag at malasakit.

Ipinagdiriwang ang National Heroes Day tuwing huling Lunes ng Agosto alinsunod sa Republic Act No. 9492. Tema ngayong taon ang “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan” (One Spirit, One Race, One Bayanihan) na naglalayong isulong ang pagkakaisa para sa kabutihan ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,880 total reads

 17,880 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,650 total reads

 55,650 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,861 total reads

 73,861 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,189 total reads

 158,189 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,707 total reads

 194,707 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,332 total reads

 2,332 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top