Mga manggagawa, kinilala ng Obispo na bagong bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,399 total views

Kinilala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – National Chairman ng Church People Workers Solidarity ang mga manggagawa bilang mga bagong bayani sa paggunita ng national heroes day.

Ayon sa Obispo, katangi-tangi ang pagpupursige ng mga manggagawang nagtatrabaho upang may maipangtustos sa kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan .

“Ngayong araw, inaalala at pinararangalan natin hindi lamang ang mga bayani ng ating kasaysayan, kundi pati ang mga makabagong bayani sa ating panahon — lalo na ang mga manggagawa, Kayo na patuloy na nagpapakapagod, nagpapakahirap, at nakikibaka para sa karapatan, katarungang panlipunan, at mas maayos na kinabukasan para sa inyong pamilya at para sa bayan — kayo ay buhay na patunay na ang diwa ng kabayanihan ay patuloy na sumisibol, “ ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Sa bisa ng pagtutulungan ayon kay Bishop Alminaza ay tiyak na matutugunan higit na ang mga suliranin na katulad ng mababang suweldo ng mga manggagawa at iba pang suliranin na kanilang kinakaharap.

Mensahe pa ng Obispo sa mga bagong bayani na manggagawang Pilipino ang pananatiling matatag at maging mas handa sa pagsusulong ng katarungang panlipunan.

“Sa gitna ng hamon at hirap, nananatili kayong matatag at buo ang loob. Ang inyong pagpupunyagi ay hindi lamang para sa sariling kapakanan, kundi para sa ikabubuti ng nakararami. Kayo ay inspirasyon sa aming lahat at tunay na huwaran ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa, Nawa’y ipagpatuloy natin ang pagtutulungan, pananampalataya, at paninindigan para sa isang lipunang makatarungan at mapayapa — sapagkat ang bawat hakbang tungo sa kabutihan ay hakbang ng isang bayani, Mabuhay kayo, mga manggagawang bayani ng ating bayan!,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Noong 2024, muling napabilang ang Pilipinas sa talaan ng Global Rights Index na ‘Top 10 Most Dangerous Countries in the World for Labor Leaders and Members’ matapos umabot sa 70 ang bilang ng mga napapatay na labor leaders at miyembro simula noong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 9,660 total views

 9,660 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 79,772 total views

 79,772 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 154,386 total views

 154,386 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 234,465 total views

 234,465 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 277,419 total views

 277,419 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 366 total views

 366 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top