Opisyal ng simbahan, nanawagan sa mga mamamahayag na panatilihin ang highest standard of integrity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,190 total reads

Nanawagan si Radio Veritas President at Archdiocesan Office of Communication (AOC) Director ng Archdiocese of Manila, Rev. Fr. Roy Bellen, sa mga mamamahayag at tagapaghatid ng balita na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng katapatan at integridad sa kanilang bokasyon at industriya.

Paliwanag ng Pari, ang tunay na misyon ng midya ay ang paglilingkod sa katotohanan at katarungan para sa kabutihang panlahat.

Giit ni Fr. Bellen, ang pagkakasanggot ng mga mamamahayag at tagapaghatid ng balita sa manipulasyon, panunuhol, at pagbabaluktot ng mga impormasyon ay nagko-kompromiso sa misyon ng pagpapahayag ng katotohanan at katarungan sa lipunan.

“My dear brothers and sisters, we must remain vigilant against the growing culture of corruption, even within the media industry. The media’s role is to uphold truth, promote justice, and serve the common good. When it succumbs to manipulation, bribery, or the distortion of facts, it betrays this mission and misleads the people.” Pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Pinaalalahanan rin ng Pari ang mga mamamahayag na alalahanin at yakapin ang hamon na isulong ang misyong paghahanap ng katotohanan na may pag-ibig, pagkakawanggawa, pagkakaibigan, at pakikipag-ugnayan.

Dagdag pa ni Fr. Bellen, ang pagtanggap ng anumang salapi ay malaking paglabag sa bokasyon ng media, at nagdudulot ng maling impormasyon sa publiko.
“I urge our brothers and sisters working in media to remember that we are called to be witnesses of the Truth, who is Christ Himself. Let us also pray for those blinded by greed, that their hearts may be converted.” Panawagan ni Fr. Bellen.

Samantala, nanawagan din ang Pari sa mananampalataya na ipagdasal ang mga nasa hanay ng midya upang manatiling tapat at maging huwaran ng katapatan at paglilingkod sa katotohanan.
Matatandaang nasasaad sa mensahe ni Pope Francis para sa 59th World Day of Social Communications ngayong taon ang hamon sa mga mamamahayag at tagapaghatid ng balita na maging tagapaghatid ng pag-asa o ‘communicators of hope’ sa gitna ng kasalukuyang panahon na puno ng hamon at mga suliranin.

Ayon sa Santo Papa, ang kasalukuyang Jubilee Year of Hope ay isang biyaya at pagkakataon para sa bawat isa upang sariwain ang misyon bilang katuwang ng Simbahan sa paghahatid sa mensahe ng diwa ng Ebanghelyo.

Giit ni Pope Francis, ang tunay na pamamahayag ay hindi lamang pagbabahagi ng impormasyon, kundi paghahatid ng pag-asa at liwanag na nagmumula kay Kristo.
“As I reflect on the Jubilee we are celebrating this year as a moment of grace in these troubled times, I would like in this Message to invite you to be “communicators of hope”, starting from a renewal of your work and mission in the spirit of the Gospel.” Bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 80,596 total reads

 80,596 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 117,968 total reads

 117,968 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 149,230 total reads

 149,230 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 222,004 total reads

 222,004 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 312,300 total reads

 312,300 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 30,912 total reads

 30,912 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top