Pilipinong Pari, itinalagang auxiliary bishop ng Diocese of San Jose California

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,633 total reads

Isang Pilipinong Pari ang itinalaga ng Santo Papa bilang bagong Auxiliary Bishop ng isang diyosesis sa Estados Unidos.

Ayon sa Holy See Press Office, itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV si Msgr. Andres Ligot bilang bagong Auxiliary Bishop ng Diocese of San Jose sa California.

Kasalukuyang nagsisilbi si Msgr. Ligot bilang Vicar General ng nasabing diyosesis mula 2023.

Si Msgr. Ligot ay pari mula sa Diocese of Laoag bago opisyal na mailipat sa Diocese of San Jose noong 2004, kung saan siya rin naglingkod sa iba’t ibang parokya.

Ang pagtatalaga kay Bishop-elect Ligot ay itinuturing na dagdag na biyaya at inspirasyon hindi lamang sa Simbahang Katolika sa California kundi maging sa pamayanang Pilipino sa buong mundo.

Sa kasalukuyan, ilan pang mga Pilipinong Obispo ang naglilingkod sa iba’t ibang bansa sa labas ng Pilipinas, kabilang na sina Bishop Oscar Solis ng Salt Lake City—ang kauna-unahang Filipino bishop na naitalaga sa Estados Unidos—at iba pang mga pari na may mahalagang tungkulin sa iba’t ibang diyosesis sa buong mundo.

Sa pagkakatalaga kay Msgr. Ligot, muling pinatutunayan ang masiglang ambag ng mga Pilipinong pari at obispo sa paglilingkod sa iba’t ibang bansa.

Matatandaang kinikilala ng SimbahanD ang mahalagang papel ng mga Pilipino sa pandaigdigang misyon ng pagpapalaganap ng Ebanghelyo, lalo na sa iba’t ibang bansa kabilang na sa Estados Unidos kung saan may malaking bilang ng mga mananampalatayang Pilipino.

source:
https://press.vatican.va/content/salastampa/it/bollettino/pubblico/2025/08/29/0600/01045.html#california

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,937 total reads

 73,937 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 109,018 total reads

 109,018 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,318 total reads

 144,318 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,587 total reads

 370,587 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,948 total reads

 259,948 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top