Mga misa sa Antipolo cathedral tuwing Sabado, i-aalay sa mga OFW, migrant at seafarers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,872 total reads

I-aalay ng Diyosesis ng Antipolo ang mga misa tuwing Sabado sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, alas-diyes ng umaga at alas-dose ng tanghali para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Filipino Migrants at mga mandaragat.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, magsisimula ito ngayong Setyembre hanggang sa mga susunod na buwan at idadaos na tuwing sabado sa mga nasabing oras upang higit na kilalanin, ipanalangin at iparating ang pakikiisa sa mga manlalayag at nasa ibayong dagat.

“Simula ng buwan ng Setyembre 2025 hanggang sa mga susunod pang mga buwan ang mga Santa Misa dito sa atin, sa Katedral at Pangdaigdigang Dambana ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje ay patungkol at para; alay at handog sa atin mga Balikbayan, mga Maglalakbay at Maglalayag na umuuwi at babalik na muli sa kanilang mga tahanan o pinagtratrabahuhan sa iba’t ibang panig pa ng daigdig, ang pagdiriwang ng Santa Misa na iaalay at para sa kanila ay mula sa ikasampu ng umaga at ikalabingdalawa ng tanghali ng Sabado ng bawa’t buwan. Sila po, na mga Balikbayan, Maglalakbay at Maglalayag, ay atin bebendisyunan, ipapanalangin at pagkakalooban ng mga stampita ng atin mahal na Birhen ng Antipolo,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Inaanyayahan ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na pinaigting na pagdedebosyon upang magkasabay na mapalalim ang pananamapalataya at iparating ang pakikiisa sa mga Pilipinong nangingibang bansa.

Tiniyak din ni Bishop Santos na naghihintay at handang tanggapin ng Mahal na Ina ng Nuestra Senora De La Paz y Buen Viaje ang mga Pilipinong dadayo o magdaraos ng Pilgrimage sa Dambana ng Antipolo.

“Magsimba at magparangal sa ating mahal na Birhen ng Antipolo, dito sa Katedral at Pangdaigdigang Dambana ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje. Masaya po kami sa inyong pagdating. Kagalakan po namin ang inyong pagdalaw. Kami po ay palaging sa inyo naghihintay. Ang ating mahal na Ina, ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo, ay sa inyo ay tatanggap, makikinig at namamagitan sa inyong mga kahilingan at magpapatnubay sa inyong paglalakad, paglalakbay at pag-uwi tungo sa inyong kalakasan, kapayapaan at kaligtasan,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority at Department of Migrant Workers, umaabot sa 2.16-million ang bilang ng mga OFW sa ibayong dagat, habang noong 2024 umabot sa 38.3-Billion US Dollar na katumbas ng 2.2-trillion Pesos ang kabuoang remittances ng mga OFW.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 95,080 total reads

 95,080 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 233,592 total reads

 233,592 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 349,369 total reads

 349,369 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 466,187 total reads

 466,187 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 96,297 total reads

 96,297 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top