Parokya at Ecclesial communities sa Archdiocese of Lipa, hinimok na makiisa sa Season of Creation 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,344 total reads

Nanawagan si Lipa Archbishop Gilbert Garcera sa lahat ng parokya at ecclesial communities sa Arkidiyosesis ng Lipa na makiisa sa mga gawain para sa pagdiriwang ng Season of Creation 2025.
Sa liham-sirkular, ibinahagi ni Archbishop Garcera ang mga inihandang gawain ng Archdiocesan Ministry on Environment (AMEn), sa pangunguna ni Rev. Joseph Randel Katigbak, para sa Panahon ng Paglikha sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre ngayong taon.
Alinsunod sa panuntunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipagdiwang ang “World Day of Prayer for the Care of Creation” o “Creation Day” tuwing unang Linggo ng Setyembre, isasagawa ito ng arkidiyosesis sa Linggo, September 7, 2025.
Lahat ng Misa sa Linggo, kabilang ang Sabado ng gabi, September 6, 2025, ang gagamiting mga pagbasa at panalangin ay magmumula sa Missa pro custodia creationis sa halip na para sa Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon.
Hinihikayat din ang mga pari na ituon ang mga pagninilay sa mga paksa tungkol sa ecological conversion at stewardship, batay sa mga inihandang gabay ng AMEn.
Kasabay nito, itinuturing din itong pagkakataon upang ilunsad ang mga inisyatibong pang-parokya at mga pangako para sa pangangalaga ng kalikasan.

Simula naman September 8—kaarawan ng Mahal na Birheng Maria– hanggang October 3, isasagawa ang Via Creationis o “Way of Creation,” na pananalangin at pagninilay tungkol sa kalikasan na hango sa Laudato Si’ at sa mga palatandaan ng panahon.

“Parishes are encouraged to organize a communal prayer gathering, engaging youth, families and parish ministries in praying the Via Creationis during the Season of Creation,” bahagi ng liham-sirkular ni Archbishop Garcera.

Bilang pagtatapos ng Season of Creation, gaganapin naman sa October 4, kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang Culminating Symposium na may temang “Peace with Creation: Living Laudato Si’”, sa Minor Basilica and Parish of the Immaculate Conception sa Batangas City, Batangas.

Ito’y isang araw ng panalangin, pagninilay, at paninindigan para sa makakalikasang pamumuhay, tampok ang keynote reflections, workshops, at creative expressions.

“These activities aim to deepen our local Church’s ecological spirituality, empower communities to take concrete action for creation care, and foster communion with the Universal Church’s call to integral ecology,” ayon kay Archbishop Garcera.

Sa buong mundo, ipagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco ng Assisi ngunit, pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Peace with Creation” o Kapayapaan kasama ang Sangnilikha, na nagsusulong ng pagkakaisa, katarungan, at pananagutan ng tao bilang katiwala ng mundo sa gitna ng krisis sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 94,733 total reads

 94,733 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 188,763 total reads

 188,763 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 233,031 total reads

 233,031 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 256,140 total reads

 256,140 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 326,939 total reads

 326,939 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,425 total reads

 147,425 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top