Pagkakaisa ng lahat, kinakailangan sa pangangalaga ng kalikasan-Bishop Alminaza

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,303 total views

Nanawagan si Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na manatiling matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng mundo at ng bansa.

Ito ang mensahe ng obispo bilang pakikiisa sa pandaidigang pagdiriwang ng Season of Creation 2025 sa temang Peace with Creation: Seeds of Peace and Hope.

Ayon kay Bishop Alminaza, napapanahon ang pagdiriwang ngayong taon dahil hindi lamang ilang buwan kundi maraming taon nang nagaganap ang mga armadong tunggalian sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bukod dito, patuloy ring dumarami ang mga kontrobersiya hinggil sa katiwalian sa bansa, kabilang ang maling paggamit ng pondong inilaan para sa pagtugon sa climate emergency at mga proyekto tulad ng flood control.

“There’s so much challenge that there’s a small or maybe even big temptation to really lose hope,” mensahe ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ng obispo, bilang Simbahang Katolika, partikular sa Diyosesis ng San Carlos, ipagpapatuloy nila ang pagsisikap na pangalagaan ang kalikasan, hindi lamang para sa sangnilikha kundi para rin sa mga mahihirap na higit na apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

Iginiit ni Bishop Alminaza na hindi maaaring magkaroon ng tunay na kapayapaan kapag patuloy na inaabuso ang mga likas-yaman.

“The cry of the common home is very much related to the cry of the poor. Responding to both cries is a good way to establish peace in the world,” ayon sa obispo.

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Laudato Si’ at pagtugon sa panawagan ni Pope Leo XIV, maglulunsad ang diyosesis, sa pamamagitan ng Lunhaw Integral Ecology Ministry, ng iba’t ibang konkretong hakbang para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Kabilang dito ang pagtatanim ng mga puno, community clean-up drive, at mga pagninilay at talakayan hinggil sa pananagutan ng bawat isa bilang katiwala ng sangnilikha.

Hinamon naman ni Bishop Alminaza ang lahat na magkaisa at magsumikap para sa pagbuo ng isang mundong mapayapa, makatarungan, at may malasakit sa kalikasan.

“We encourage everybody, people of goodwill, to join hand in hand in caring for our common home as an expression of our love for God and our love for one another,” panawagan ni Bishop Alminaza.

Ipinagdiriwang ang Season of Creation simula September 1 hanggang October 4, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng kalikasan, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 214,071 total views

 214,071 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 244,295 total views

 244,295 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 270,939 total views

 270,939 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 365,912 total views

 365,912 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 373,067 total views

 373,067 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top