Seremonya sa installation ni Cebu Archbishop-designate Uy, isinapubliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,326 total reads

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pormal na pagluluklok kay Archbishop-designate Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu sa isang banal na misa sa Setyembre 30, 2025, sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Bilang tampok ng pagdiriwang, si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang magsisilbing homilist sa naturang misa.

Pagdating at Unang Araw (Setyembre 28)
Darating si Archbishop Uy sa Cebu bandang alas kuwatro ng hapon at sasalubungin ng mga mananampalataya sa port ng lungsod. Sa ganap na alas singko ng hapon, isasagawa ang Profession of Faith, Vespers, at Unveiling ng Coat of Arms sa Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop’s Residence Compound.

Ikalawang Araw (Setyembre 29)
Sa umaga, isang misa ang gaganapin sa St. Joseph Chapel sa alas sais, na susundan ng tree planting activity at feeding program sa Abtanan sa Kalooy. Magkakaroon din ng Veneration sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

Pagsapit ng alas 10:45 ng umaga, idaraos ang civic reception kasama ang mga lokal na opisyal ng Cebu City. Sa hapon, magkakaroon ng hiwalay na civic reception na pangungunahan naman ng mga opisyal ng Lalawigan ng Cebu.

Ikatlong Araw (Setyembre 30)
Sa ganap na alas nuwebe ng umaga, isasagawa ang banal na misa at ang pormal na rito ng pagluluklok kay Archbishop-designate Uy sa cathedra ng Cebu Metropolitan Cathedral.

Hindi lamang ito isang seremonya ng paglilipat ng tungkulin kundi isang mahalagang yugto para sa buong Simbahang Katolika sa Cebu. Ang Archdiocese of Cebu, na kinikilala bilang isa sa pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa na may halos limang milyong mananampalataya, ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Si Archbishop-designate Uy, na ngayon ay hahalili bilang pastol ng arkidiyosesis kay Archbishop Jose Palma ay inaasahang magpapatuloy sa tradisyon ng malakas na pananampalataya at paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 2,868 total reads

 2,868 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 53,448 total reads

 53,448 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 75,539 total reads

 75,539 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 175,358 total reads

 175,358 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 208,545 total reads

 208,545 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top