Apela ng Santo Papa, gawing huwaran si San Carlo Acutis at San Pier Giorgio ng kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,653 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya, lalo na ang kabataan, na gawing huwaran sina San Carlo Acutis at San Pier Giorgio Frassati bilang mga halimbawa ng kabanalan.

Sa ginanap na canonization rite noong Setyembre 7 sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na ang buhay ay hindi dapat sayangin sa mga walang kabuluhan kundi italaga para sa Panginoon.

“Dear friends, Saints Pier Giorgio Frassati and Carlo Acutis are an invitation to all of us, especially young people, not to squander our lives, but to direct them upwards and make them masterpieces,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ibinahagi ng Santo Papa na parehong pinagyaman ng dalawang batang banal ang kanilang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pagdalo sa Banal na Misa, taimtim na pananalangin, at higit sa lahat, ang Eucharistic Adoration. Hinihikayat niya ang kabataan na talikuran ang makamundong tukso at sundin ang atas ng Panginoon, tulad ng halimbawa nina San Francisco ng Assisi, San Agustin, at ng mga bagong santo.

Libu-libong peregrino ang dumalo sa canonization, kabilang ang pamilya ni Carlo Acutis na nagdala ng kanyang relic.

Si San Carlo Acutis ay ipinanganak sa London noong Mayo 3, 1991 ngunit lumaki sa Milan, Italya. Bata pa lamang, ipinakita na niya ang malalim na debosyon sa Diyos—araw-araw siyang nagsisimba, nagdarasal ng rosaryo, at may matinding pagmamahal sa Eukaristiya.

Gumamit siya ng teknolohiya upang ipalaganap ang pananampalataya, lalo na sa paglunsad ng Eucharistic Miracles website. Pumanaw siya noong Oktubre 12, 2006 sa edad na 15 dahil sa leukemia, at idineklarang beato noong 2020.

Si San Pier Giorgio Frassati naman ay isinilang sa Turin, Italya noong Abril 6, 1901.

Bagama’t mula sa mayamang pamilya, pinili niya ang payak na pamumuhay at masidhing pagtulong sa mahihirap. Aktibo rin siya sa Catholic Action at kilala bilang mahilig sa hiking at mountaineering, kung saan isinasama niya ang pananampalataya sa kalikasan.

Pumanaw siya noong 1924 sa edad na 24 dahil sa polio at idineklarang beato noong 1990 ni San Juan Pablo II, na tumawag sa kanya bilang “Man of the Beatitudes.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 1,706 total reads

 1,706 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 52,346 total reads

 52,346 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 74,437 total reads

 74,437 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 174,256 total reads

 174,256 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 207,502 total reads

 207,502 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top