Krisis sa kalikasan at krisis sa moralidad ng katiwalian, hindi maaring ihiwalay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,383 total reads

Nagbabala si Caritas Philippines president-elect, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na hindi maihihiwalay ang lumalalang krisis sa kalikasan ng bansa sa krisis sa moralidad ng katiwalian.

Ito ang binigyang-diin ni Bishop Alminaza sa kanyang keynote speech sa ginanap na “Laudato Si’ Summit and Festival” sa Ateneo de Manila University noong September 4,2025.

Ayon sa obispo, ang walang katwirang halagang flood control projects ay nagsisilbing bunga ng kasakiman na hindi tunay na nakakapagligtas ng buhay kundi lalo pang nagpapalubog sa kahirapan.

“Greed is not an accident; it is a choice. When those in power choose greed, the poor pay the price,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang tunay na ecological conversion ay dapat sabayan ng moral na pagbabalik-loob.

Aniya, ang katiwalian at kasinungalingan sa pamahalaan ay hindi lamang nakasisira sa tiwala ng taumbayan kundi direktang humahadlang din sa tunay na pangangalaga sa kapaligiran.

Iginiit ng obispo na ang pagiging tapat ng mga pinuno sa kanilang tungkulin ay mahalagang saligan upang matiyak na ang mga programa at proyektong inilulunsad para sa kalikasan ay tunay na nagsisilbi sa tao at hindi sa pansariling interes.

“Without honesty in governance, society cannot be honest in protecting creation,” ayon sa obispo.

Ipinunto rin ni Bishop Alminaza ang mga konkretong hakbang ng Simbahang Katolika upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang dito ang ganap na divestment mula sa coal industry, pagtanggi sa mga ‘maruruming donasyon’, panawagan para sa debt cancellation at loss-and-damage reparations, at mahigpit na pangangalaga sa Verde Island Passage, na itinuturing na biodiversity hotspot ngunit ngayo’y nanganganib dahil sa mga proyektong nakakasira ng kalikasan.

Paalala ni Bishop Alminaza na tungkulin ng bawat mamamayan at mga pinuno na ituwid ang maling pamamahala upang tunay na mapangalagaan ang kalikasan bilang nag-iisang tahanan ng lahat.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,338 total reads

 5,338 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 60,042 total reads

 60,042 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,832 total reads

 96,832 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 129,072 total reads

 129,072 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,669 total reads

 179,669 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 241,287 total reads

 241,287 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,744 total reads

 52,744 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top