Senador Estrada at Villanueva, tumanggap ng “payola cut’ sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,353 total reads

Nakiusap sa House Infrastracture Committee ang sinibak na DPWH engineer na si Brice Ericson Hernandez na huwag na siyang ibalik sa Senado, matapos niyang ihayag na may mga senador na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

“Pwede ho bang ‘wag niyo na po ako ibalik sa Senate, Your Honor, kasi may mga involved pong senador dito at hindi ko po alam ang magiging kapalaran ko kung ibalik niyo ako doon,” pakiusap ni Hernandez sa InfraComm.

Si Hernandez na una nang idineklara ng Senate Blue Ribbon Committee na guilty of contempt.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Hernandez na ang kanyang dating boss na si Henry Alcantara, dating district engineer ng DPWH Bulacan First District na sinibak din sa puwesto, ang nag-utos ng mga “boxed cash withdrawals” na konektado sa ghost at substandard projects.

Nang tanungin kung si Alcantara lamang ang tumanggap ng pondo, inamin ni Hernandez na hindi niya kayang pangalanan ang iba dahil sa takot sa kanyang buhay at pamilya.

“Siyempre natatakot din po ako sa buhay ko at sa pamilya ko kasi hindi naman po birong tao ‘yung mga taong involved dito,” dagdag pa ng dating opisyal ng DPWH.

Sa gitna ng pagdinig, binanggit ni Hernandez sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa sinasabing anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Hernandez, tumanggap ng 30 percent SOP si Villanueva sa ilang flood control projects sa Balagtas at Bocaue Bulacan sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P600 M, at 30 percent din si Estrada sa P355 M projects sa Hagonoy at Malolos Bulacan.

Ang Infra Comm—binubuo ng Committees on Public Accounts, Public Works and Highways, at Good Government and Public Accountability—ay nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga ghost at substandard flood control projects na kinasasangkutan ng DPWH 1st District Engineering Office at mga contractor gaya ng SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction, at Wawao Builders.

Dumalo rin sa joint panel ng Kamara si dating DPWH Engineer Alcantara, Pacifico Discaya ng Timothy Construction, at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,333 total reads

 5,333 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 60,034 total reads

 60,034 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,824 total reads

 96,824 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 129,064 total reads

 129,064 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,661 total reads

 179,661 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 241,279 total reads

 241,279 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top