Mag-asawang Discaya, hindi kuwalipikado bilang state witness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,773 total reads

Naniniwala ang isa sa pinuno ng House Infrastructure Committee na hindi kuwalipikado bilang state witnesses ang mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.

Ayon kay Infracom lead-chairman Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ang mag-asawang Discaya ay kabilang sa itinuturing bilang “most guilty” sa katiwalian kaugnay sa flood control projects.

“Di sila kuwalipikado base sa ‘least guilty’ na pamantayan. Para sa akin, kasama sila sa most guilty sa corruption sa flood control projects,” ani Ridon, na nanawagang kasuhan sila ng plunder o corruption of public officials sa halip na isama sa Witness Protection Program.

Iginiit din ng mambabatas na sapat na ang affidavit ng mag-asawa, kung saan inamin nila ang pagkakasangkot sa korapsyon, upang tanggihan ang anumang hinihinging proteksiyong.

Sinang-ayunan din ni Ridon ang pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nais lang ng mga Discaya na mag-state witness para makaiwas sa asunto, matapos nilang magbigay ng bilyon-bilyong kickbacks sa ilang opisyal ng gobyerno.

Sa Infracom hearing nitong Martes, binunyag ni Ridon na nakakuha ang mga Discaya ng halos ₱93.5 bilyon mula 2014 hanggang 2023 para sa mga proyektong imprastruktura, karamihan ay flood control. Aniya, kung may netong kita silang 10–15%, aabot ito sa ₱9.35 bilyon hanggang ₱14 bilyon.

“That means it’s in the billions,” giit ni Ridon, kasabay ng pagpapaalala na sila mismo ang nagmalaki sa mga panayam na ang kanilang yaman ay nasa “eleven digits.”

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 5,326 total reads

 5,326 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 60,024 total reads

 60,024 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 96,814 total reads

 96,814 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 129,054 total reads

 129,054 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 179,651 total reads

 179,651 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 241,269 total reads

 241,269 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top