Radyo Veritas, nagpapasalamat sa mga bumisita sa Mary and the Eucharist Exhibit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 56,521 total reads

Nagpahayag ng pasasalamat ang himpilan ng Radyo Veritas sa lahat ng mga dumalaw at nakibahagi sa Mary and the Eucharist Exhibit.

Ayon kay Radio Veritas Religious Department head Renee Jose, mahalaga ang sama-samang pakikilakbay at pagninilay ng mga dumalo sa Mary and the Eucharist Exhibit upang higit na maunawaan ang mahalagang papel ni Maria at ng mga santo sa pananampalatayang Katoliko at sa walang hanggang biyaya ng Eukaristiya sa bawat Kristiyano.

Pagbabahagi pa ni Jose, maituturing na biyaya rin ang naganap na exhibit upang makapagbigay ng inspirasyon sa pananampalataya ng marami.

“Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Mary and the Eucharist Exhibit. Sa pamamagitan nito, muling naipadama ang malalim na debosyon kay Maria at ang kanyang paggabay tungo sa Banal na Eukaristiya. Tunay na naging biyaya ang exhibit na ito na nagbigay-inspirasyon sa pananampalataya ng marami. Nawa’y patuloy tayong maging saksi ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Maria.” Bahagi ng pahayag ni Jose sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Jose na hindi nagtatapos sa nagdaang Mary and the Eucharist Exhibit ang misyon ng himpilan sa pagpapalaganap ng pananampalataya, debosyon at mas malalim na pagkilala sa Mahal na Birheng Maria, sa mga santo at sa Diyos.

Kaugnay nito, inihayag ni Jose ang magkakaroon pa ng susunod na Marian Exhibit ng himpilan ng Radyo Veritas sa Fishermall Malabon na nakatakda naman sa October 1 – 15, 2025.

Una ng inihayag ni Rev. Fr. Roy Bellen, pangulo ng himpilan, mahalagang pagkakataon ang naturang exhibit upang mapagnilayan ang kahalagahan ng Eukaristiya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria at mga banal lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na hinahamon ng korapsyon, digmaan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

Ayon sa Pari, layunin ng exhibit na isulong ang mas malalim na debosyon sa Banal na Eukaristiya at palakasin ang misyon ng Radyo Veritas bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng new evangelization.

Tampok sa naganap na Mary and the Eucharist Exhibit sa Fisher Mall, Quezon City mula noong ikatlo hanggang ika-11 ng Setyembre, 2025 ang mahigit sa 100 imahe ng Mahal na Birheng Maria sa iba’t ibang titulo, gayundin ang mga banal na kilala sa kanilang debosyon sa Eukaristiya, kabilang sina Padre Pio, Blessed Carlo Acutis, at St. Tarcisius of Rome, at marami pang iba.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,471 total reads

 96,471 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,520 total reads

 173,520 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,968 total reads

 206,968 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,268 total reads

 242,268 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,070 total reads

 465,070 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top