May karapatan ang taumbayan na magalit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,580 total views

Ito ang mariing pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng lumalaking sentimyento laban sa mga anomalya sa flood control projects.

“If I wasn’t President, I might be out in the streets with them. Of course they are enraged. Of course they’re angry. I’m angry. We should all be angry, because what’s happening is not right,” ang pahayag ni Marcos sa isang press conference sa Malacañang.

Hinikayat ng Pangulo ang publiko na ipahayag ang kanilang galit at saloobin laban sa katiwalian.

“Ipaalam ninyo ang inyong sentimiyento. Ipaalam ninyo kung paano nila kayo sinaktan, kung paano nila kayo ninakawan. Sigawan ninyo sila, lahat gawin ninyo, mag-demonstrate,” dagdag pa ng punong ehekutibo.

Ngunit nagpaalala rin siya na dapat manatiling mapayapa ang kilos-protesta sa Setyembre 21.

“If you don’t do it peacefully, the police will have to do its duty to maintain peace and order,” anang Pangulo.

Tiniyak din ni Marcos na hindi poprotektahan ang sinuman sa imbestigasyon ng ICI.

“Look what we have found… I want to hold these people accountable just like they do. So I don’t blame them. Not one bit,” aniya, matapos ihayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco na kabilang si Romualdez sa mga iniimbestigahan.

“Wala namang maniniwala kung sasabihin ko lang na walang kinikilingan at walang tinututulungan ang ICI. Kaya mas mabuti na imbestigahan ang lahat ng sangkot,” giit ng Pangulo, kung saan sakop din sa mga iniimbestigahan ng ICI ang kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez.

Dulot na rin ng mga ulat na anomalya, sinuspinde na rin ng Pangulo ang paglaaan ng pondo para sa proyekto ng flood control sa 2026.

Sa halip, ang pondo ay ilalaan sa sektor ng edukasyon, agrikultura pabahay, kalusugan, imprastraktura at sa Information and Commucation Technology.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 80,409 total views

 80,409 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 98,309 total views

 98,309 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 144,875 total views

 144,875 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 131,812 total views

 131,812 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 147,286 total views

 147,286 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

The numbers, the documents cannot lie!

 4,221 total views

 4,221 total views Iginiit ni dating senador Antonio Trillanes IV na mahalagang matuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte upang tuluyang masuri ng

Read More »
Scroll to Top