Pagtatag ng Tree Park, isinusulong ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,790 total reads

Ibinahagi ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang kahalagahan ng pagtatatag ng tree park bilang konkretong tugon sa pangangalaga ng kalikasan at pamana para sa mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Archbishop Uy, ang pagkakaroon ng tree park ay may malaking ambag sa kapaligiran dahil nakatutulong ito sa pagpigil ng pagbaha, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, at pagbibigay ng tahanan sa iba’t ibang uri ng hayop.

Kaugnay rin ito ng patuloy na pagsusulong ng arsobispo sa pagtatanim ng mga puno, at ng pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.

“They will serve as natural defenses against the worsening effects of climate change,” pahayag ni Archbishop Uy.

Binanggit ni Arcbishop Uy ang benepisyo ng mga luntiang espasyo sa kalusugan at kapakanan ng tao, dahil nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon para sa pamamahinga, paglilibang, at pagpapagaling.

Dagdag pa rito, maaari ring magsilbing living classroom ang tree park para sa mga bata at kabataan upang matuto tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi pa ni Archbishop Uy na nakikita rin ang potensyal ng ganitong uri ng espasyo na makatulong sa turismo at kabuhayan, habang pinagtitibay ang pagkakaisa ng simbahan, pamahalaan, paaralan, at iba pang organisasyon sa iisang layuning magtanim, mag-alaga, at mag-iwan ng mas luntiang pamana para sa mga susunod na salinlahi.

Aniya, ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng inisyatiba sa kapaligiran kundi isang moral na tungkulin at pamana ng pag-ibig sa nag-iisang tahanan at sa kapwa.

“Every tree planted is a prayer for the future. Every park nurtured is a sign of our faith in life,” ayon kay Archbishop Uy.

Una nang kinilala ni Archbishop Uy ang Sikatunarra Tree Park Project ng lokal na pamahalaan ng Sikatuna, Bohol, na hango sa pangalan ng bayan at ng Narra—ang pambansang puno ng Pilipinas.

Layunin ng proyekto na magtanim ng daan-daang libong puno ng Narra sa mga bakanteng lupain ng bayan upang gawing malawak na tree park na magsisilbing sagisag ng pagkakaisa ng pamayanan at pagpapahalaga sa kalikasang bahagi ng kulturang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 128,784 total reads

 128,784 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,113 total reads

 162,113 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,257 total reads

 194,257 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,320 total reads

 260,320 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,236 total reads

 271,236 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,919 total reads

 122,919 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top