Mananampalataya, hinimok ni Archbishop Uy na tularan ang birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,708 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu incoming Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birheng Maria sa kanyang pakikibahagi at pakikilakbay sa mga nahihirapan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kapistahan ng Our Lady of Sorrows noong Setyembre 15, na nagbibigay-diin sa pitong dalamhating dinanas ng Mahal na Ina, lalo na sa paanan ng krus kung saan ipinako at namatay si Hesus.

“Many people today carry heavy crosses: poverty, corruption, injustice, broken families, addictions, or violence. Our Lady of Sorrows tells us: ‘Do not abandon them. Stand with them. Pray with them. Offer love in the midst of pain,’” ani Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na sa gitna ng matinding hirap at kadiliman, hindi iniwan ni Maria si Hesus, bagkus ay nanatili siyang tapat kahit iniwan na siya ng karamihan sa mga apostol.

“How many of us, when we face trials, are tempted to walk away from God? But Mary teaches us to remain faithful even when it hurts, to trust that beyond Good Friday, there is Easter Sunday,” dagdag pa ng arsobispo.

Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na sa oras ng karamdaman, kabiguan, o matitinding pagsubok ay humarap kay Maria na naggagabay tungo sa kanyang Anak na si Hesus.

Aniya, ang mga karanasan ni Maria ay hindi lamang alaala ng nakaraan kundi aral para sa lahat na manatiling tapat, makiisa sa kapwa, at maghanap ng kapanatagan sa Diyos.

Ang Kapistahan ng Our Lady of Sorrows ay ipinagdiriwang ng Simbahan tuwing Setyembre 15, kasunod ng Pagtatampok sa Krus na Banal. Nagsimula ang debosyon noong ika-13 siglo sa pamamagitan ng mga Serbites (Servants of Mary) na nagpalaganap ng pagninilay sa pitong hapis ni Maria. Noong 1817, ipinag-utos ni Papa Pio VII ang mas malawak na pagdiriwang bilang pasasalamat sa kanyang paglaya mula sa pagkakabihag.

Sa Pilipinas, kilala bilang Pueblo Amante de Maria, tanyag ang debosyon sa Mater Dolorosa lalo na tuwing Mahal na Araw, kung saan binibigyang-diin ang makainang pagkalinga at pananampalataya ng Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 128,790 total reads

 128,790 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,119 total reads

 162,119 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,263 total reads

 194,263 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,326 total reads

 260,326 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,242 total reads

 271,242 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top