Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Advincula, nanawagan sa mamamayan na manindigan para sa pananagutan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,831 total views

Mariing kinundena ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang talamak na korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa bansa, at nanawagan sa mamamayan na manindigan para sa pananagutan at katarungan.

Sa kanyang pastoral statement, binigyang-diin ng arsobispo na ang katiwalian ay hindi lamang bunga ng kasakiman kundi isang anyo ng kasamaan na sumisira sa dangal ng tao at lipunan.

“Corruption is more than just a manifestation of greed. It is a concrete form of evil. If left unchecked, society will be ruined by it, including the core of our humanity, that is, our dignity,” ani Cardinal Advincula.

Paliwanag ng arsobispo, ang mga kilos-protesta laban sa katiwalian ay hindi simpleng usaping pampulitika kundi isang moral na paninindigan at tungkulin ng mamamayan upang sugpuin ang kasamaan.
“In a healthy democracy, the people’s fiscalizing participation in governance is not confined to the election season. Rather, it continues between elections, by holding leaders accountable through acts of vigilance, discernment, and—when necessary—protest,” dagdag pa niya.

Nanindigan ang arsobispo na may mahalagang papel ang Simbahan sa paggabay sa mamamayan upang hindi gawing partidong usapin lamang ang korapsyon. Iginiit din ng cardinal na ang pulitika, kapag isinabuhay nang tapat, ay maaaring maging tunay na paglilingkod sa bayan.

“Politics is not hopelessly irredeemable. Politics can become ‘the highest form of charity’ when true to its vocation,” aniya.

Kasabay nito, nakikiisa si Cardinal Advincula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan laban sa mga tiwaling gawain at sa paghiling ng pananagutan mula sa mga sangkot.

“I enjoin all parishes, shrines, chaplaincies, mission stations, and religious communities to conduct prayerful reflections, circles of discernment, and peaceful and non-violent actions against corruption,” pahayag ng Cardinal.

Bilang paalala sa pananampalataya, iginiit ni Cardinal Advincula ang pagiging maka-Diyos ay kaakibat ng pagiging makabayan:

“Ang totoong maka-Diyos ay makabayan, dahil kabayanihan ang dulot ng kabanalan; at sa totoong kabanalan, kasama ang paglilingkod para sa katarungan.”

Sa huli, nanalangin ang Cardinal para sa pananaig ng katarungan at kapayapaan sa puso ng bawat Pilipino upang makamtan ang tunay na pagbubuklod ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 7,851 total views

 7,851 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,339 total views

 75,339 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,404 total views

 96,404 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,187 total views

 119,187 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,224 total views

 156,224 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top