Talamak na katiwalian sa flood control projects, kinundena ni Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,394 total reads

Mariing kinondena ng Diyosesis ng Malolos ang talamak na katiwalian kaugnay ng ghost flood control projects na nagpapalala sa kalunos-lunos na sitwasyon ng mga mamamayan sa lalawigan at mag karatig-lugar.

Binigyang-diin ni Bishop Dennis Villarojo, kasama ang mga pari ng diyosesis, na ang mga proyektong pinondohan mula sa buwis ng taumbayan ay hindi naisakatuparan at nauwi lamang sa korapsyon.

“Ipinapahayag namin ang paninindigan laban sa talamak at sistematikong kultura ng korupsiyon at kasakiman na patuloy na nagpapahirap sa ating bansa… Sa pagkakait ng mga imprastrukturang sana’y nagliligtas-buhay, patuloy tayong nalulubog sa baha, at hindi natatapos ang kahirapan at kawalang-katarungan sa ating bayan,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Iginiit ng obispo na ang katiwalian sa flood control projects ay hindi lamang kakulangan sa pamamahala kundi isang mabigat na kasalanan laban sa Diyos at sa kapwa, dahil inilalagay sa panganib ang buhay ng marami at lalo pang nagpapabigat sa kahirapan at kawalang-katarungan.

Dagdag pa ni Bishop Villarojo na bilang mga tagapaggabay ng sambayanan sa pananampalataya, hindi maaaring manahimik lamang ang simbahan habang ang mali ay patuloy na umiiral at nagiging normal.

“Bilang mga pastol, hindi kami maaaring manahimik kapag ang sambayanan ay napapahamak at kapag ang kasalanan ay nagiging bahagi na ng sistema, at ang kawalang-katarungan ay nagiging pangkaraniwan na,” giit ng obispo.

Kasabay nito, nanawagan ang diyosesis sa mga pinuno ng pamahalaan na gampanan ang tungkulin nang may integridad at tiyakin ang agarang imbestigasyon sa mga pekeng proyekto.

Hinimok din ni Bishop Villarojo ang mga ahensya, mambabatas, at hudikatura na maglatag ng pangmatagalang solusyon, papanagutin ang mga tiwaling opisyal, at tiyaking hindi maantala ang katarungan.

Hamon din ng obispo sa mga mananampalataya at Simbahan na iwaksi ang katiwalian, maging mapanuri, at palakasin ang pananalangin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Banal na Oras ng pagbabayad-puri, at mga Banal na Misa upang hilingin ang pangingibabaw ng mabuting pamamahala sa lipunan.

“Magtulungan tayong muli-kaparian at layko-hindi lamang sa pagpapatayo ng mga nasira o naudlot na imprastruktura kundi pati sa pagpapanumbalik ng tiwala ng bayan… Sa diwa ng pananampalataya at katapangan, buong lakas naming isinisigaw. Tama na ang mga huwad at palpak na imprastraktura! Tama na ang katiwalian!,” saad ni Bishop Villarojo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,678 total reads

 53,678 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,142 total reads

 133,142 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,587 total reads

 166,587 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,885 total reads

 201,885 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,266 total reads

 426,266 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,084 total reads

 157,084 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top