Rep. Zaldy Co, posibleng maharap sa ethics probe ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,538 total reads

Rep. Zaldy Co, posibleng maharap sa ethics probe ng Kamara

Hinamon ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos si Ako Bicol Rep. Zaldy Co na bumalik ng bansa at sagutin ang mga paratang laban sa kanya kaugnay ng sinasabing anomalya sa flood control projects.

“I am gonna be the first one to tell you that he should come home and face any and all the allegations against him,” pahayag ni Marcos.

Dagdag pa niya, “the allegations is too severe and it’s dragging the House down.”

Nang tanungin kung maaaring pilitin ng Kamara si Co na umuwi, sinabi ni Marcos na, “hindi ko alam kung maaari itong gawin ng Kamara bilang isang collegiate body.”

Gayunpaman, binigyang-diin niya na maaaring magsampa ng reklamo ang Kamara sa Ethics Committee.

Ayon sa batang Marcos, maari matulad ang sitwasyon ni Co sa nangyari kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na tinanggal sa rolls ng Kamara dahil sa indecent conduct at chronic absence.

Matatandaan na nang mabunyag ang usapin sa flood control projects, si Co ay napaulat na nagtungo sa Estados Unidos para sa isang medical treatment.

Una na ring lumutang ang pangalan ni Co sa isyu ng flood control projects sa ipinakitang listahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ang SunWest Construction ay kabilang sa mga construction firm na nakakuka ng pinamakaraming proyekto ng flood control sa Pilipinas.

Nabanggit din an pangalan ni Co, sa naging pagdinig ng Senado kung saan kabilang siya sa tinutukoy na nakatanggap ng kickback mula sa mag-asawang contractor na si Pacifico at Sara Discaya.

Bukod sa isyu ng ghost at substandard infrastracture project, inaakusahan din si Co-dating chairman ng House Committee on Appropriations at Leyte Rep. Martin Romualdez sa usapin ng ‘insertions” at pagmamanipula sa pagkakagastusan ng pondo o ang 2025 General Appropriations Act (GAA).

Una na ring nagbitiw si Romualdez bilang pinuno ng Kamara at pinalitan ni Isabela Rep. Faustino ‘Bojie’ Dy III bilang Speaker of the House.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,478 total reads

 49,478 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,164 total reads

 129,164 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,611 total reads

 162,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,909 total reads

 197,909 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,497 total reads

 422,497 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,153 total reads

 16,153 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top