Mamamayan, hinimok ng Diocese of Kalookan na makiisa sa Trillion Peso March

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,958 total views

Hinihikayat ng Diocese of Kalookan ang mga layko, kabataan, relihiyoso, madre at pari na makiisa sa isasagawang “Trillion Peso March” laban sa katiwalian at maling paggamit ng pondo ng bayan sa darating na September 21, 2025 sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Sa pangunguna ng Caritas Kalookan, magsisimula ang assembly time sa ganap na alas-11 ng umaga sa San Roque Cathedral sa Caloocan City, at sabay-sabay na tutungo sa EDSA para sa mismong programa sa ganap na alas-2 ng hapon.

Hinihikayat din ng diyosesis ang mga dadalo na magsuot ng puting T-shirt bilang sagisag ng dalisay na paninindigan at pag-asa.

Layunin ng pagkilos ang panawagan ng katarungan at pananagutan para sa mga pamilyang sinalanta at iniwan ng mga palpak na proyekto ng pamahalaan; mga kabataang ninakawan ng kinabukasan; at mga manggagawa at mahihirap na pasan ang bigat ng katiwalian.

Kasabay rin ng pagtitipon ang paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, upang ipahayag ang pagtutol ng sambayanang Pilipino laban sa katiwalian, kawalan ng pananagutan, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Una nang nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David sa sambayanang Pilipino, na muling ituring ng lipunan na kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang katiwalian, upang mawalan ng puwang ang mga nananamantala sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,867 total views

 28,867 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,801 total views

 202,801 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,434 total views

 180,434 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,506 total views

 243,506 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 261,170 total views

 261,170 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top