Exploration activities ng Woggle Corporation, ipinapatigil ng ATM sa DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,885 total views

Nanawagan ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang agarang ipatigil ang exploration activities ng Woggle Corporation sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya dahil sa mga paglabag ng kumpanya.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, sinusuportahan ng kanilang grupo ang panawagan ng mga residente at ng Oyao Village Council na nagtayo ng barikada sa lugar bilang pagtutol sa iligal na pagmimina at kawalan ng pahintulot mula sa mga apektadong pamayanan.

Ipinahayag din ni Garganera ang pagkagalak sa inilabas na suspension order mula sa DENR-Regional Office, ngunit binigyang-diing nananatiling hindi malinaw kung anong bahagi lamang ang nasasaklaw ng kautusan—kung ito ba tumutukoy sa tree-cutting, exploration activities, o mga permit.

“We demand that the mining permit be revoked and all on-site activities of the mining company be prevented. This mining project is not welcome and the community’s rejection must be respected,” pahayag ni Garganera.

Agosto nang kasalukuyang taon nang pagkalooban ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng exploration license ang Metals Exploration Plc (MTL) na sumasaklaw sa 3,100 ektarya para sa pagmimina ng ginto at tanso.

Ang Woggle Corporation, na ang 60% ay pagmamay-ari ng FCF Minerals Senior Staff Annuity Corporation at ang 40% nama’y sa MTL—ay sinimulan na ang exploration activities na mariing tinututulan ng mga residente dahil sa banta sa kapaligiran at kabuhayan.

Kabilang sa mga hinaing ng komunidad ang kakulangan ng tunay na konsultasyon, pagputol ng mga puno at halaman sa lugar, at paglabag sa mga pribadong ari-arian.

Hiling ni Garganera na ipatupad nang buo ang Environment Code ng Nueva Vizcaya na nagbabawal sa mapaminsalang pagmimina at iginiit na dapat ding panindigan ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga batas pambansa para sa pangangalaga ng kalikasan.

“We demand that the Environment Code of Nueva Vizcaya, which prohibits destruction mining practices, be fully enforced. We call on concerned agencies to uphold national environmental protection laws,” giit ni Garganera.

Mariin namang tinututulan ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mapaminsalang pagmimina sa lalawigan dahil sa idinudulot nitong pinsala at pangamba sa buhay ng mga tao at kalikasan.

Itinuturing ang Nueva Vizcaya bilang ‘watershed haven’ dahil sa taglay na mga watershed na tumutugon sa pangangailangang patubig at pang-agrikultura ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 11,803 total views

 11,803 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 25,380 total views

 25,380 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 53,944 total views

 53,944 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 103,730 total views

 103,730 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 98,424 total views

 98,424 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top