Masamang epekto ng coal mining sa South Cotabato, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,872 total reads

Ikinabahala ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) ang posibleng epekto ng malawakang operasyon ng coal mining sa South Cotabato na maaaring makasiran sa mga solar-powered micro-grid villages ng mga katutubong Taboli Manobo.
Ayon kay LRC Campaigns Support and Linkages Coordinator Leon Dulce, taliwas sa layunin ng bansa na lumipat sa renewable energy ang patuloy na operasyon at pagpapalawak ng 17,000-ektaryang coal mining corridor na may kaugnayan sa San Miguel Corporation.
Sa South Cotabato pa lamang, tinatayang 300 ektarya ng watershed ang nasira na, na naglalagay sa panganib sa anim na solar micro-grid villages na nagsusuplay ng kuryente sa 415 bahay ng mga katutubong Taboli Manobo.
Binigyang-diin ni Dulce na isa ang coal mining sa pinakamalalang dahilan ng climate crisis dahil pinapalawak nito ang paggamit ng fossil fuel na humahantong sa lalong pag-init ng kapaligiran, pagkasira ng kagubatan, at malawakang pagbaha.
“Coal mining represents the worst driver of the climate crisis as it perpetuates not only the continued production and consumption of fossil fuel that causes global heating, but also destroys forest carbon sinks and worsens the flooding crisis,” Dulce explained.
Sa nakalipas na mga taon, nakipagtulungan ang LRC sa Taboli Manobo S’daf Claimants Organization (TAMASCO) at iba pang katutubo sa South Central Mindanao upang magtayo ng solar micro-grid systems sa kanilang mga lupaing ninuno.
Matatagpuan ang operasyon ng coal mining sa 116,000- ektaryang Kabulnan watershed, na nagsusuplay ng malinis na tubig sa kalahating milyong residente sa South Cotabato, Sultan Kudarat, at Maguindanao del Sur.
Apat sa mga solar micro-grid ng LRC ay nakapuwesto rin sa nasabing watershed.
Samantala, ibinahagi rin ng grupo na kasalukuyang pinag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pagpapasara sa lahat ng coal mining projects sa bansa.
Kabilang dito ang pagsusuri sa magiging epekto sa mga manggagawa at komunidad, at ang paghahanap ng mga alternatibong hakbang upang mapagaan ang magiging epekto ng pagsasara.
“It’s time for the Department of Energy to impose a moratorium on these new or expanding coal mining projects. Indigenous peoples are already showing us scaleable proof-of-concept of a just energy transition that aligns with their rights and safeguards the environment. It’s time we listened to their voices,” ayon kay Dulce.
Magugunita noong Nobyembre 2022, hinamon ni Marbel Bishop Cerilo ‘Alan’ Casicas ang pamahalaan na muling pag-isipang mabuti ang pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,715 total reads

 39,715 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,775 total reads

 119,775 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,223 total reads

 153,223 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,521 total reads

 188,521 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,546 total reads

 413,546 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,549 total reads

 156,549 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top