Seguridad sa Trillion Peso march, tiniyak ng CLCNT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,004 total reads

Tiniyak ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) ang kahandaan para sa seguridad at maayos na daloy ng programa para sa nakatakdang Trillion Peso March.

Ito ang ibinahagi sa Radyo Veritas ni Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria, Vice President ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at Secretary General ng CLCNT na nag-organisa sa malawakang pagkilos laban sa sistematikong korapsyon sa bansa sa Setyembre 21, 2025.

Ayon sa Pari, katuwang ng CLCNT ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) na samahan ng mga retiradong heneral na mangunguna sa pamamahala sa seguridad ng nakatakdang pagtitipon.

Nilinaw rin ni Fr. Tria na mayroong mangangasiwa sa pagpapadaloy ng programa upang matiyak na manatiling nakatutok sa pangunahing layunin ang pagtitipon na pagtindig laban sa lahat ng anyo ng katiwalian at ang pagtataguyod ng mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang malaking katulong, malaking supporter ng CLCNT ay yung ANIM yung mga grupo ito ng mga matitino na mga retired generals so sila yung in-charge sa security, at saka sa stage naman meron tayong control ibig sabihin mayroong magmo-moderate ng program upang may control yung CLCNT sa mga magsasalita kasi open naman ito sa lahat may mga kanya-kanyang sentiments, kanya-kanyang agenda so ayaw naman nating maging exclusive so inclusive tayo pero kailangan na naka-focus tayo dun sa pinaka-agenda which is to fight all forms of corruption.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Tria sa Radyo Veritas.

Inihayag rin ni Fr. Tria ang nagkakaisang paninindigan ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon na bumubuo sa CLCNT na nagbunsod sa pagsusulong ng nakatakdang pagkilos upang maipahayag sa
sama-samang paghahangad ng katotohanan, katarungan at katapatan sa bayan para sa common good o kabutihan ng mas nakararami.

“Actually yung moral fire nagre-resonate sa kanila [iba’t ibang denominasyon] sila yung madaling makausap at nagsasanib pwersa, tulong tulong upang ipagtaguyod natin itong hustisya saka transparency sa ating gobyerno, kaya madaling mag-ipon-ipon, madaling magtulungan kapag yung common good ang pinag-uusapan.” Dagdag pa ni Fr. Tria.

Giit ng Pari, hindi dapat na magpabaya ang mamamayang Pilipino upang hindi patuloy na manaig ang katiwalian sa kaban ng bayan.

Pagbabahagi ni Fr. Tria, batay sa inisyal na pagtatala ay maaring umabot sa humigit-kumulang 30,000 ang lalahok sa pagtitipon na idaraos sa EDSA People Power Monument.

Ayon sa Pari, “Ang projection nasa 30,000 ang dadalo na mga tao, 30,000 hindi siya kasya sa Simbahan [EDSA Shrine] kaya doon sa Monument [EDSA People Power Monument].”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,917 total reads

 73,917 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,999 total reads

 108,999 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 144,299 total reads

 144,299 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,568 total reads

 370,568 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,930 total reads

 259,930 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top